SU 11: Accident

2.4K 67 9
                                    

Patricia's POV

"Salamat Rex." tanging sabi ko. Tumango lang siya sa 'kin. "Salamat at hindi ka nag-inarte." dagdag ko at tumawa ng mahina.

"Hindi naman ako maarte ah." sabi niya at nagpa-cute bigla. Ew! Hindi bagay.

"Ano ba yan! Nakahalik ka lang eh." napatigil ako sa sinabi ko kaya naman tinignan ko siya. Natahimik naman siya dahil dun.

"Wag mo na ipaalala yun. Pinagsisisihan ko na yun. Nadumihan pa ang labi ko." sabi niya kaya napairap ako. Arte talaga nito.

"Tsk." yun lang ang naging tugon ko at umupo na ako sa upuan na nasa harap lang namin. "Mas nadumihan naman labi ko 'no." bulong ko. Hindi niya naman siguro narinig yun. Pwet ko lang naman ang nakarinig.

Binuksan ko yung maleta ko at nakita kong nadala ko pala yung pocket books ko.

"Kyahh!" napasigaw ko at niyakap yun. Kahit papaano may magagawa na rin ako dito sa University. "Oh my gosh!" sigaw ko pa. Para akong sira, niyayakap ko yung pocket books ko.

Madami-dami din pala tong dinala ko. May A KISS IN THE RAIN, THE NEW BOSS IS MY HUSBAND, HIS PERSONAL SLAVE, THE FOUR BAD BOYS AND ME, THE GOOD GIRL'S REVENGE, UNWANTED GIRLFRIEND, at THE BET.

Nagbabasa ako ng wattpad at on-going ko pang binabasa ang Book 2 ng Unwanted Girlfriend. UG 2: Amaranthine Love. Kaya lang nawasak yung phone ko. Hays! Dun naman na ako sa part na nakipag-kita na si Mikaela kay Camilla.

"Ano yan?" muntik na akong mapatalon dahil dun. Kasama ko nga pala si Rex. May nakita pa akong libro.

Nanlaki ang mga mata ko.

Nadala ko pala 'to? FIFTY SHADES OF GREY. Naks naman oh, 'di ko pa nababasa 'to. Nakita ko lang naman kasi 'to sa sala eh, si Daddy siguro nagbasa nito.

Inabot ko kay Rex yung Fifty Shades of Grey na libro. Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Anong gagawin ko diyan?" tanong niya. Bobo lang? Ano bang ginagawa sa libro? Alangan naman tingnan lang? Gusto ko tuloy siyang barahin dahil sa tanong niya.

"Syempre babasahin mo. Dali na, wala ka namang ginagawa dyan eh at saka magbabasa din naman ako ng libro." sabi ko at binigay sa kanya. Tinanggap niya naman pero binalik niya agad sa 'kin. "Bakit?" kinunutan ko siya ng kilay.

"Hindi ako nagbabasa." sabi niya. Arte nito kala mo naman 'di lalake pero 'di ko dapat sabihin yun. Napatunayan niya na nga kanina na lalaki siya eh. Alam niyo na, nung hinalikan niya ako. Argh! Ayoko na talagang maalala yun.

"Lalaki ka naman eh kaya 'di kayo mandidiri diyan." sabi ko at nakita kong napalunok siya. "Basahin mo na nga yan, 'wag ka na maarte." sabi ko at binasa ko na yung A Kiss In The Rain. Bakit ba kasi nawasak pa yung cellphone ko eh! Edi sana matagal ko ng natapos yung Amaranthine Love. Tsk! Kakaaasar talaga.

"Shit." narinig kong usal ni Rex at bigla nalang siyang tumayo. "Ayoko na. Nakakapagod na." sabi niya pa at tumingin siya sa 'kin. Nakita kong pinagpapawisan yung noo niya. Bakit kaya?

"Huh?" nagtaka naman ako dun. Bakit siya pinagpapawisan?

"Ayoko ng basahin 'to." sabi niya at binato niya sa 'kin yung librong Fifty Shades of Grey bago umalis.

"Tinopak na naman." sabi ko nalang sa sarili ko at binuksan ko yung libro.

WHAT THE HECK?!

Nakakita ako ng picture. Yucks! Ganito ba talaga kapag nagme-make love? Bakit parang ang laswa naman ata nito? Sinara ko nalang yung libro at tinago sa ilalim ng unan ni Rex. Baka gusto niya pang basahin eh. 'Di naman ako madamot.

Secret UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon