SU 32: Attack (PART II)

1.1K 35 4
                                    

Cherry's POV

Mabilis kaming nakarating sa lugar na 'yon dahil mabalis rin ang pagpapatakbo ni Angelo sa kotse niya. Hindi naman siya nagmamadali 'no?

Nang makababa kami ay marami kaming nakitang mga tao at mga pulis. Sumasakit na naman ang ulo ko, kainis!

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Parang pamilyar sa 'kin ang lugar na 'to. Pakiramdam ko ay nakapunta na ako dito pero impossible naman ata 'yon dahil ngayon palang ako nakapunta dito.

Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang mga paa ko at inihatid ako sa tapat ng isang semento na dingding.

"This place looks familiar." rinig kong sabi ni Angelo sa tabi ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Ikaw rin?" tanong ko sa kanya. Kung ganoon ay pareho kami ng kutob.

"Hindi ako sure pero pakiramdam ko ay nakapunta na ako dito." sabi niya kaya tumango nalang ako. Humarap ulit ako sa dingding at hinawakan ko 'to. Bigla nalang akong may nakitang pangyayari sa isip ko.

"Thank you ho manong." sabi ko dun sa mga lalaking nakaitim na naghatid sa 'kin dito sa isang bukid. Napabuntong-hininga nalang ako nang makita ko na wala man lang isang tao dito.

Eto ba yung sinasabi nilang paaralan? Eh bukid 'to ah? Naglakad pa ako nang naglakad ng may makita akong kumikinang na bagay na nakadikit sa isang sementong dingding na nasa kabilang bahagi ng kalsada.

Pumunta ako ro'n at hinawakan ko ang bagay na 'yon at ang sunod ko nalang na naaalala ay nasa loob na ako ng isang mahiwagang lugar.

"Nakapunta na nga ako dito." sabi ni Angelo kaya nilingon ko siya.

"Ikaw si Angelo? Y-yung lalaking..." naguguluhan kong tanong sa kanya. Biglang bumalik sa 'kin ang lahat ng alaala ko.

"Cherry?" tawag niya sa 'kin. Si Angelo. Siya yung kauna-unahang minahal ko sa loob ng University na 'to. Yung kauna-unahang iniyakan ko.

"Nagbalik na ang alaala niyo?" hinanap namin kung sino 'yong nagsalita pero wala naman kaming nakita. Kilala ko ang boses na 'yon, hindi ko lang maalaa kung sino.

"Nasa'n ka?" tanong ko.

"Nandito ako sa likod ng dingding. Halina kayo." sagot ng boses kaya sabay kaming naglakad ni Angelo papasok sa dingding.

Napangiti ako ng makita ko ro'n ang lahat. Si Maine, si Niel, si Dyoll, at Patricia. Para kaming may reunion sa lagay naming 'to.

"Waaaaa! Nandito kayo!" tili ko at isa-isa ko silang niyakap at hinalikan sa pisngi.

"Masaya ako at nandito na kayo. Akala ko, hindi niyo na ako makikilala eh." sabi ni Patricia kaya natawa kami.

"Naaalala kita. Ikaw yung may-ari ng Pat's Bar diba? Tumatambay ako ro'n minsan." sabi naman ni Angelo.

"Wala pa ring nagbago sa 'yo Cherry. Ang ingay mo pa rin." sabi ni Dyoll kaya napasimangot ako. Namiss ko 'tong ganito. Yung magkakasama kami.

"Kayo din naman ah." nakapout kong sabi. Tiningnan ko si Patricia. Ang ganda niya kapag nakangiti pero ramdam ko na malungkot siya at may problema siya.

"Tara, pumunta na tayo sa opisina." sabi ni Patricia. Aalis na sana kami pero may pinahabol pa si Dyoll.

"Teka, wala pa si Rex ah." sabi niya at mapaglarong tiningnan si Patricia. Oo nga pala, lovers pala 'yong dalawang 'yon.

"Hindi na 'yon dada—"

"Patricia?"

Napalingon kaming lahat sa dumating. Lahat kami ay napangiti ng makita siya. Sabay-sabay kaming tumingin kay Patricia habang nakangiti.

Secret UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon