Love...Sick...

5.8K 85 15
                                    

JINN’s POV….

Matapos ko mahatid sa terminal ng bus si Micah ay deretso na akong umuwi.  Medyo sumasakit ang lalamunan ko.  Nakalimutan kong bawal pala sa akin ang sobrang lamig na pagkain…sobrang sensitive kasi ng aking lalamunan.  Kahit pustahan tonsillitis na naman ang kapalit ng isang basong mango shake na ininom ko kanina.  Pero kahit pa medyo masama ang pakiramdam ko ay masaya pa rin akong nakauwi sa bahay.

“Mukhang maganda ang araw natin tol ah…nakatama ka ba sa lotto?” tanong ni Phem ng buksan ako ng pinto.  Mag aalas siyete na ng gabi ng makarating ako sa bahay.

“Sobra pa sa lotto…” ang agad kong sagot sabay ngiti ng matalinhaga sa tsismoso kong kaibigan.

“Uuuyyy anong nangyari? Magkuwento ka naman diyan.”

“Ano ka hilo? Anong akala mo sa akin kiss and tell?”

“Hindi ba? Ano pa bang kuwento sa buhay pag-ibig mo ang hindi mo nasabi sa akin? Huh?”

Napangiti ako.  Totoo ang sinabi ni Phem…lahat ng parti ng buhay ko ay alam na niya.  Sa tagal na naming magkaibigan wala na akong itinatago sa kanya.  Baka ngayon pa lang.  

“Walang nangyari ah…”

“Sa hitsura mong yan walang nangyari? Doon ka kaya magtinda ng kuwento mo sa barbero sa kanto baka bilhin pa niya yan. Huwag ako ang paglalakuan mo dahil tol…kahit baho ng hininga mo memorize ko na yan.”

“Grabe ka naman, hindi naman mabaho ang hininga ko ah. By the way bakit nandito ka? Milagro na wala kang lakad.”

“Pahinga muna ako ngayon.  Nagbakasyon kasi mga kasamahan ko kaya wala munang gig. Pero huwag mong ilihis ang kuwento pwede? Hindi mo pa nasagot ang tanong ko…kumusta ang date mo?”

Ang kulit talaga nito…mukhang hindi ako tatantanan ng kunehong ito.  Pero wala akong balak na ikwento sa kanya ang nangyari sa amin ni Micah sa movie house.  Malaki ang respeto ko kay Micah at lahat ng nangyayari sa amin ay sagrado para sa akin. It’s just for the two of us and will remain between the two of us.

‘Nyak! Inglesero ka na ngayon ah…dib a bgsak ka dati sa English 101 class mo?” hirit naman ng inner self ko na ubod din ng kulit.  

Ahhhh hindi naman ako makulit ah bakit ba kakaiba itong konsensya ko…makulit na sobrang taray pa.

“Alam mo ang kulit mo.  Sige na nga para matigil ka na lang sasabihin ko na.  Nanood kami ng sine ni Micah tapos kumain tsaka naglakad-lakad.  The end…”

“Yon lang? Kuwentong walang kalatoy-latoy?  Kung sa mga sinigang walang asim…kong sa adobo walang toyo…kong sa salad kulang sa mayonnaise…walang sarap.  Pero sige na paniniwalaan na lang kita kahit sa totoo lang ayaw kong maniwala talaga.  Saan ba patutungo yan at ikukwento mo rin yan sa akin. Ilang bote lang at kakanta ka rin.”

Napatawa ako.  Alam na alam ni Phem ang weakness ko.  Pag nalasing kasi ako lumalabas ang lahat ng sekreto ko kaya iwas muna sa bote ngayon.  

“Wala akong ikakanta dahil hindi ako marunong,” sagot ko habang nagbibihis. Ibaba ko na sana ang aking pantalon ng may makapa ako sa aking bulsa.  Bigla akong napatingin kay Phem.  Buti na lang at tumalikod na siya at pumunta ng kusina.  Napangiti ako…paglabas na paglabas ni Phem ay agad kong isinara ang pinto at inilock..

Kinuha ko ang kapirasong saplot sa aking bulsa.  Remembrance ko ito kay Micah…Bikining itim…

MICAH’S POV

Sa buong buhay ko ay hindi ko pa naranasang lumabas ng bahay na walang underwear.  Kakaiba pala ang feeling…ang hangin at ang lamig.  I feel uncomfortable habang nagbibiyahe…hindi ko pa rin ubos maisip kong saan napunta ang aking panloob. Totoo bang tinangay yon ng daga o ng taong-daga?  Hindi makuha sa akin na magduda kay Jinn.  Bakit hindi man lang siya nag abalang hanapin ang underwear ko kanina. Instead ay nagmamadali pa siyang lumabas na kami.  Haiist…maraming nangyari sa araw na ito na talagang hindi ko malilimutan.  First time ko na makipagmakelove sa movie house, first time kong nawalan ng panty, first time kong napahiya sa restaurant.  

A Choice or Destiny?Where stories live. Discover now