Perhaps love...

6.6K 55 5
                                    

JINN’S POV

“Oh bakit para kang natulala diyan? Akala ko gusto mong kumain…halika tara na,” sabay hawak at hila ko sa kanyang kamay.  Bigla niya akong kinurot sa tagiliran habang nakabusangot ang mukha.

“Ikaw talaga Jinn hanggang ngayon ang lakas pa rin ng topak ng ulo mo at ako naman ang napag tripan mo ha.  Akala ko kung saan ka tumatawag…eh andiyan ka lang pala sa tabi-tabi.  Siguro pinagtatawanan mo ako ano?” ang haba ng kanyang nguso habang nagtatalak. 

 Isa ito sa mga na miss ko kay Micah, pag naiinis parang armalite na naka automatic ang bunganga, non-stop.  Pero bakit hindi man lang nabubulol?

“Ako…pagtatawanan ka? Hindi ah…pero bakit ka magagalit di ba sinabi ko naman sa yo na nasa tabi-tabi lang ako? Ayaw mo kasing maniwala eh.  Hindi naman ako nagsinungaling ah.  Huwag ka na ngang magalit papangit ka niyan.”

Kukurutin pa sana niya ulit ako pero sinalo ko na lang ang kanyang kamay at pinisil.  Hindi ko rin napigilan ang sarili ko at nahagkan ko ang kanyang kamay. 

“Oh ayan…sorry na.  Hindi naman kita ginogoodtime eh.  Gusto lang kitang masorpresa kaya huwag ka nang magalit.”

Napayuko siya. Kinuha ko ang kanyang dalang bag at hawak-hawak ko pa rin ang kanyang kamay habang akay ko siyang naglakad.  Ang lamig ng kamay niya.  Hindi pa rin siya kumikibo.

“Mic naman…sorry na sabi eh.  Promise hindi na kita sosorpresahin.  Kung susunduin kita mag tetext muna ako.  Please huwag na po magalit magandang dilag.”

“Hindi naman ako galit eh.”

“Eh ano naman ang drama mo niyan? Bakit di ka na kumikibo diyan?”

“Gutom lang po ako noh…tsaka…na observe ko parang wala ka na atang planong bitiwan ang kamay ko ah,” nakangiti na niyang sagot sa akin.

“Bakit, may magagalit ba kung hawakan ko ang kamay mo? Eh sa na miss kita eh.  Limang taon atang hindi ko nahawakan kamay mo.”

Nakita kung bigla siyang namula. Kinabahan ako…baka totoong may magagalit…baka may boyfriend na siya. Bakit hindi ko man lang yon

A Choice or Destiny?Where stories live. Discover now