Chapter 1: Soulmates and Crazy Thoughts

3.5K 57 5
                                    

"In this place, you will meet your soulmate. Maybe today, maybe not, maybe tomorrow or in your next lifetime but sure you will."

I can't help but smirk after reading that silly vandal at the stairs.

Bakit naman of all places, doon pa? Unang una, daanan ng mga tao 'yon at madalas mainit kasi open yung lugar. Pangalawa, ang view na makikita mo ay pwet ni Oble. Pangatlo, I don't believe in the concept of 'soulmates'. I think it's too abstract and too good to be true. Don't get me wrong, I'm not a pessimist. I am more of a realist.

Masyadong random. Masyadong hopeless romantic ang dating. Siguro nasobrahan sa kakanood ng chick flicks ang nagsulat nito or madalas tumambay sa wattpad para magbasa ng romance fan fictions. At bakit ako maniniwala sa isang vandal? Bawal kaya mag-vandal sa school.

"Hello? Isa! Uy Isa!"

"Oh Jus, kanina ka pa?" So much for that, I gathered my thoughts kasi malamang aasarin ako nitong si Jus.

"Anyare sa'yo? Two weeks na tayo dito, lost ka pa din?" Napahawak siya sa ulo na parang frustrated at concerned sakin na di mo maintindihan.

"Grabe, lost agad? Natawa lang ako kasi tingnan mo, ang baduy!" Tinuro ko yung vandal.

"Baduy? Eh ang tagal mo ngang tulala dyan, friend. Malamang naglakbay na naman at kung saan-saan na nakarating 'yang diwa mo."

Sinabi ko naman yung mga naisip ko kanina para di niya na ako asarin.

"...di talaga katiwa-tiwala kasi vandalism is a crime, 'di ba? Therefore, considered kriminal ang gumawa n'yan." Tulala s'ya sakin sabay tinawanan ako ng malala.

"Hahaha! Alam mo, Isa, dapat mag-shift ka na ng PolSci tapos mag-abugado ka. Masyado kang madaming naiisip. O 'di kaya, sumulat ka ng libro. Teka iisip ako ng title." She touched her chin na parang seryosong nag-iisip pero nakatawa pa rin.

"Ah! hahaha! ito,

..Isa and Her Crazy Thoughts"

Tawa pa din s'ya nang tawa. Nababaliw na yata 'to.

"Thoughts!"

Wait. sobrang lakas yata ng pagkabigkas ni Jus ng book title kuno ko daw, bakit nag-echo?

"THOUGHTS!!!!"









*boogsh! *







Tumigil na sa pagtawa si Jus. Hindi ko na s'ya naririnig. Hindi ko na din s'ya makita.







The next thing I know, nasa clinic na ako at may ice pack sa noo.

"Sino ka? Bakit nandito ako?" Shocks, nagka-amnesia ba ako? Sino 'tong babaeng 'to? Hindi siya nurse. Hindi rin siya si Jus. Oh! Naalala ko si Jus so that means wala akong amnesia. Buti na lang. Teka sino nga ba 'tong babaeng 'to. Bakit wala si Jus?

"Ang dami mo sigurong naiisip ngayon. Willing akong magpaliwanag. Ako nga pala si Tots."

Ako nga pala si Tots.

Ako nga pala si Tots. 

Ako nga pala si Tots. 



Ah, siya pala 'yung echo.  





________________________________________
There you go. Leave a comment. :)

You Smile, I Smile (DianaBel Fan Fiction) - ON HOLDWhere stories live. Discover now