Chapter 48 : First love ni Zai

10.2K 154 14
                                    

Chapter 48

*First love ni Zai*

*A/N: Sa mga hindi nagbabasa ng author's note, bahala kayong hindi mabasa ang paborito kong chapter 47! Ahahahaha :)

"A-Aldrich?"

Humiwalay sya sa pagkakayakap at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Kelan mo pa 'ko tinawag na Aldrich, ha, Zailieliling? Drich ang tawag mo sa'kin, ah?"

Inalis ko yung pagkakahawak nya sa mga kamay ko. Nakita ko kung paano sya nabigla sa ginawa ko.

"Matapos mo kong iwan, ganyan-ganyan nalang?"

Naiiyak na naman ako. Naaalala ko kung paano ako nagmukhang tanga sa kakaantay sakanya.

Pakinshet!

Akala ko nakalimutan ko na sya!

Akala ko wala na kong pakialam kung bumalik man sya.

Eh, bakit ngayon naiiyak ako?

Yumuko sya at sinabing, "I'm sorry, Zai."

"Sorry mo mukha mo!" Tinulak ko sya ng malakas at padabog na umakyat papunta sa kwarto ko.

Kaasar sya!

Sumalampak ako sa kama ko. Kung kanina naiiyak ako, ngayon hindi na. Masyado akong naiinis kaya walang luha na lumalabas sa mga mata ko.

Good thing at umalis kami ni Zoid sa ZL Spot ng 12am. Means, tapos na ang birthday ko. Kung hindi, wala! Sirang-sira ang birthday ko!

Kung anong saya yung nararamdaman ko kanina, ganun din ang galit na nararamdaman ko ngayon.

Kung tinatanong nyo kung sino yung lalaking yun?

Well, sya si Aldrich Komoyaki. 50% Filipino at 50% Japanese. Pure Filipino ang mommy nya at pure Japanese naman ang daddy nya.

He's my bestfriend as far as I can remember. Wala akong bestfriend dati kasi hindi ako mahilig makipag-socialize. Sya lang talaga. We made our promises na walang iwanan. Pero ano ang nangyari? Umalis lang naman sya. Ang sabi nya sa'kin, two months vacation lang daw. Pero hindi pala. Hindi na sya bumalik.

Ni wala nga kaming communications eh. Nag-i-e-mail ako sakanya before pero kahit ni isang beses hindi sya nag-respond hanggang sa mapagod ako at sinabi ko sa sarili ko na kakalimutan ko na sya.

Narinig kong may kumakatok.

"Zailie, please.... mag-usap tayo."

Yumuko ako sa ilalim ng kama at kinuha ang kung ano mang nahugot ko saka binato sa pinto.

"WALA KANG KWENTANG BESTFRIEND! MANG-IIWAN KA! MANG-IIWAN!" I yelled under my breathe.

Mga ten seconds bago ulit sya magsalita. "Hindi ako aalis hangga't di tayo nagkakausap."

Bahala ka sa buhay mo!

Nagtaklob ako ng kumot at pumikit hanggang sa nakatulog na ko.

* * *

As I woke up, agad kong chineck yung phone ko na nasa bedside table. Tinignan ko kung may text message na si Zoid.

I smiled nung may naka-register na Maboy/Louie ko sa inbox. As usual, good morning greet with I love you.

Haist. Buo na naman ang araw ko.

I happily got up on my bed then went down to have a breakfast. Pero nung pagkababa ko, nawala ang ngiti sa labi ko.

I Revenged On A PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon