Chapter 50 : Bestfriend or boyfriend?

7.8K 145 14
                                    

Chapter 50

*Bestfriend or Boyfriend?*

 

What will you choose?

Tinext ko si Zoid na magmo-mall kami ni Aldrich. Baka kasi pumunta sya sa bahay, wala ako. 1pm ako sinundo ni Aldrich sa bahay, then dumiretso na kami sa mall gamit ang motor nya.

Tinanong ko nga kung bakit motor ang dinala nya eh may kotse naman sya. At alam nyo kung anong sinagotnya?

BASTA.

 

Oh, diba? Parang si Zoid lang.

Pagpunta namin sa mall, bumili kami ng kung anu-ano. Bumili rin kami ng pasalubong para kay Aki at pati na rin kay mommy. Syempre, makakalimutan ko pa ba ang maboy ko? Binilihan ko sya ng shirt sa bench. Pati si Aldrich binilihan ko rin. Wag na sila VJ, Ceejay at Dwayne. Dun sila magpabili sa mga mahal nila. Haha.

Nagpunta din kami sa arcade, nanood ng Bakit di ka crush ng crush mo? sa sine. After nun, nagpunta kami sa skating rink. Ayoko nga pumunta dun eh. Pinilit lang ako ni Aldrich.

"Drich, hindi ako marunong!" Hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko, samantalang sya, nalibot na ata yung buong skating rink.

"Kaya mo yan! Dahan-dahan lang." Nag-skate sya palapit sa'kin.

Ang daya! Palagi daw kasi sya nags-skating sa Japan. Eh, ako? First time ko 'to ^____^

Hinawakan nya yung dalawa kong kamay.

"Kapit ka lang sa'kin." Utos nya. Hinawakan ko sya ng madiin sa kamay at dahan-dahan syang nags-skate ng paatras. Hila-hila nya ako.

Pabilis ng pabilis ang pag-atras nya hanggang sa bitawan na nya ako. "Sige lang! Dire-diretso lang."

 

Left, right, left, right..

KYAAAAA!!!! Na-gets ko na kung pa'no!!!

"Nice one! Habulin mo nga ko kung marunong ka na!"

 

 

Zoid's POV

 

 

"Hoy, pinsan! Bawal sa'yo ang alak, ah!" Saway sa'kin ni VJ.

Nandito kami sa bar ni CeeJay. Nagyaya ang mokong eh. Sayang wala ang Louise ko.

I Revenged On A PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon