Chapter 10

47 4 0
                                    

Luzy Pov

Papunta kami ngayon ni Mauricey sa ospital. Dahil hinahanap daw ako ni Kenneth.

'Hindi niya ako maalala. Ang naaalala niya lang ay yung panahon na kayo pa.' Paliwanag ni Mauricey habang nagdadrive.

'Hindi ko magets ano bang sakit niya?' Naguguluhan kong tanong

'Luzy nagkaamnesia si Kenneth. Lacunar amnesia'

'Paanong--?'

'Sila na lang magpapaliwanag sayo. Hindi na kita sasamahan sa loob. Ayoko saktan ang sarili ko. Alam ko naman na babalik agad ang ala ala nya. At alam ko naman na hindi mo na siya mahal diba? Sana kapag bumalik na si Kenneth wag mo siyang pigilan.' Pakiusap ni Mauricey sakin

'Hah? Ahh oo naman. Tutulungan ko lang si Kenneth na mabalik ang ala ala niya. Tama ka hi--hindi ko na siya mahal.' Pagsisinungaling ko. Ang bigat sa loob kong sabihin na hindi ko na mahal si Kenneth.

Paakyat na ako sa kwarto kung saan nandon si Kenneth. Siguro hindi pa ito yung panahon para sabihin sakaniya kung bakit ko siya iniwan.

'Ate Luzy!' Sigaw ni Sam ang pinsan ni Kenneth.

'Luzy ija. Buti dumating ka na. Kanina ka pa hinahanap ni Kenneth sa loob. Sinabi ko na may binili ka lang sa labas.' Bati ng mommy niya sa akin.

'Kumusta po ang kalagayan niya tita?'

'Sabi ng doctor nagkaroon siya ng lacunar amnesia.' Sagot ng mommy niya sa akin.

'Doc ano po ba yung lacunar amnesia? Bakit wala siyang maalala sa kasalukuyan?'

'Lacunar amnesia ija is the loss of memory about one specific event. It is a type of amnesia that leaves a lacuna a gap in the record of memory.' Paliwanag ng doctor.

'Hanggang kelan po siya magiging ganito?'

'We do not know. Pwede itong maging temporary o permanent na. But in his case maaaring mabilis ang paggaling ng pasyente.'

'Ija pakiusap sana wag mo muna biglain si Kenneth na wala na kayo. Hayaan muna natin siyang gumaling.' Pakiusap ng mommy ni Kenneth

Hindi ko alam kung tama ba na itago muna sakaniya. Pero kung yon ang dapat para hindi siya mahirapan sa paggaling niya.

'Luzy! Akala ko iniwan mo na ko e.' Masayang bati ni Kenneth sakin.

'Pwede ba yon? Hindi ko naman magagawang iwan ka noh.'

Kung alam mo lang Kenneth kung gaano ako katanga na iniwan kita. Sana mapatawad mo pa ako.

'Luzy parang ang tagal tagal kitang hindi nayakap ng ganito. Sobrang namiss kita agad.' Sambit niya habang nakayakap saakin ng mahigpit.

'Sobrang namiss din kita. Pagaling ka na agad ha.'

The ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon