Chapter 12

40 4 0
                                    

Luzy Pov

Nandito na ko sa pinagusapan namin na lugar ni Mauricey. Bigla siyang tumawag kanina dahil kailangan daw namin magusap.

'Luzy biglang tumawag si daddy kanina. Pinapabalik niya ko sa New York this week. 3months lang ako don. Kailangan ko lang sila tulungan sa company.'

'Bakit naman biglaan?'

'Hindi ko rin alam e. Doon na nila sasabihin ang nangyayare. May ipapakiusap ako sayo Luzy.'

'A--ano?'

'Sana pagbalik ko dito nasabi mo na kay Kenneth na wala na kayo. Naiinip na ko maghintay. Baka di ko mapigilan sarili ko at ako na ang magsabi sakaniya ng totoo. Na iniwan mo siya! At pinagpalit sa iba! Dahil malandi ka!'

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ang bigat sa pakiramdam. Totoo iniwan ko siya pero hindi ko siya kailanman pinagpalit.

'3months Luzy. 3months. Mahaba na yang pagkakataon na yan! Para masabi mo na lahat ng panloloko mo sakaniya!' Dagdag ni Mauricey

'Hayaan mo pagbalik mo dito. Sayong sayo na siya.' Naiiyak kong sabi.

Iniisip ko palang na mawawala ulit siya ang sakit sakit na. Parang hindi ko na kakayanin ulit. Pero ito yung kabayaran ko sa pagiwan ko sakaniya e.

Umuwi ako sa bahay na mabigat ang dibdib. Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso.

Pinagiisipan ko din mabuti ngayon kung paano sasabihin kay Kenneth ang katotohanan. Kelan ang tamang panahon para doon.

Alam kong mas masasaktan siya kapag nalaman niya na hiwalay na kami kapag mas pinatagal ko pa.

Lalo na kung sa iba niya pa ito malaman.

Buo na ang desisyon ko bukas na bukas sasabihin ko na kay Kenneth ang totoo. Hanggat hindi pa nakakaalis si Mauricey para magkausap sila.

Paalam Kenneth. Kasalanan ko to. Hindi kita pinahalagahan. Mahal na mahal kita.

Hindi ko mapigilan umiyak habang iniisip na wala ng pag-asa pa para sa aming dalawa.

*reminder check up 8am*

Hayy oo nga pala. Bukas ulit ang check up ko. Hihingi na ulit ako kay doc ng gamot na pain reliever. Madalas ng sumakit ang dibdib ko.

*new text message*

'Ija si tita Korina mo ito. Sana hindi mo parin inaamin kay Kenneth ang nangyari sainyo. Pasensya ka na ija. Hindi mo lng talaga maalis sa akin ang pagaalala sa anak ko. Para sakaniya tong ginagawa ko.'

The ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon