24 // A Proscriptive Confession

180K 3.1K 1.9K
                                    

"Confession is not betrayal. What you say or do doesn't matter; only feelings matter. If they could make me stop loving you-that would be the real betrayal."
— George Orwell

~ ~ ~

Halos tumalon na ang puso ni Ces pagkakita niya sa dalawang lalaking nasa harapan nila ni Ash. Ang isa ay nakangiting papalapit sa kanya habang ang isa naman ay tahimik lang na sinusundan ang kasama.

“Ano 'yan?” nakangiting tanong ni Note nang ituro nito ang sulat na hawak ng dalaga.

Nagkatinginan naman sina Ces at Ash na ipinagtaka naman ng dalawang lalaking nasa harap ni Ces. “Uy, love letter ba 'yan?” nakangiting tanong muli ni Note.

Napakunot ang noo ni Ces. Naguguluhan siya. Napatingin naman siya sa lalaking kasama ni Note na pamilyar ngunit hindi niya talaga kilala: lalaking may tahi sa may kanang kilay nito at tahimik na nakatingin sa kanya. Kung hindi siya nagkakamali ay kasama ito sa banda ng MyuSick. . . Hindi lang niya maalala kung ano’ng tawag dito.

“Ikaw ang nagbigay nito, Pitch?” nagtatakang tanong ni Note sa kasamahan.

Napangiti naman ang binata sa tanong ng kabanda at tiningnan si Ces nang para bang may ipinapahiwatig. Tahimik lang ito, hindi nagsalita para sagutin man lang ang tanong. “Tara, band room na tayo.” 

Napakunot ang noo ni Note. Pati ang binata ay naguguluhan. 

“Ha? Hindi ko gets—teka—“ Hinila na ni Pitch si Note palayo kay Ces. “Uy, Ces, babay! Naks, may secret admirer!” panunukso ni Note sa kanya. Nakita naman ni Ces na tumingin si Note kay Pitch. Narinig din niya ang sinabi nito sa kabanda. “ikaw ang nagbigay ng letter? Bakit pink? Ang bading!”

Kitang-kita ni Ces ang pagtawa ni Pitch sabay batok sa matangkad na si Note. Hindi pa rin tumitigil ang  pagtibok ng puso ni Ces nang sobrang bilis. Si Pitch? Siya ang nagbigay?

“Ang weird naman ng dalawang 'yun.” Napatingin si Ces kay Ash na nasa tabi pa rin niya. “Pero yung nag ‘ako’ ‘yung tahimik. Siya kaya ang admirer mo?”

Nagkatinginan silang dalawa. . . at nagkibit-balikat na lang ang dalaga.

* * *

Nakatingin lang si Ces kay Keng noong nasa trabaho na siya. Iniisip pa rin niya ang sinabi ni Marky na si Keng ang anak ng may-ari ng cake shop. Kaya naman pala kahit matulog lang ito ay hindi pinapagalitan ng manager nila.

Everything’s weird about Keng: ang bruskong pananalita nito kahit na mayaman, ang mga tattoo nito sa katawan, at kahit ang buhok na hindi kakikitaan ng kulay itim, pati na rin ang tainga nitong puno ng hikaw na siguro ay aabot ng isang libong piso ang presyo ng mga hikaw.

“Baka malusaw ako.” Napayuko si Ces nang tingnan siya ni Keng mula sa paglalaro nito ng Candy Crush sa iPad. “Ano’ng tinitingin-tingin mo sa akin?”

Nakayuko pa rin si Ces at umiling.

“Ang weird mo talaga,” narinig ni Ces na bulong ni Keng—ngunit bulong na talagang pinarinig sa kanya.

That Twisted Love StoryWhere stories live. Discover now