Royal Chapter 5

15 6 0
                                    

Chapter 5:Doomed

Liberty Avantika Kill

Nang pumunta kami sa Dining room nila ay nandun na naka upo ang Reyna, Hari, Si Jace, Margaret and Chandria. Namataan ko rin si Dash na naka tayo sa may likod ng dalawang prinsesa. Palihim ko syang inirapan at alam kong nakita nya yun. Akala niya ako lang ang kakayod ngayon ha.

Nung umupo si Heinrich ay tumayo ako sa likudan nya. Mahabang table ang sasalubong sayo sa oras na pumunta ka sa Dining room. Napansin ko rin na walang Assistant si Jace dahil sya lang ang katangi tanging naka upo run na walang naka tayo sa likod nya.

Pinag usapan na lamang nila ang mga bagay bagay na hindi ko alam. Ni hindi ko nga rin alam kung papaano sila nakakapag usap ng maayos kung masyado silang malayo sa isa't isa.

"So Tomorrow you'll be going to Paris Prince Vladimir to check if everything's okay, while you Prince Jace will also go there to check on your brother . "Matigas na sabi ni Queen Frederica. Tumango na lamang si Heinrich in return.

Nagulat nga ako dahil parang sobrang hands-on ng pamilya nila sa bansa nila. Ang galing.

"You should bring"Nag pause si Queen Frederica at tumingin saakin."Liberty Your highness."Sagot ko sa kanya.

"Yes, you should bring liberty and the Princesses' assistant with you Prince Vladimir"Tumango na lang ulit si Prince Vladimir.

"While the two princess will come with me."patuloy niya pa.

"Where are we going mommy?."Cute na cute na sabi ni Chandria. Darn her voice is so angelic. Ang cute!

"We're going to your uncle's house honey." And with that halos tumalon na sa tuwa si Chandria kaya parang lalo akong nangigil sa kanya. I really think nobody can say no to her.

Nang matapos na sila kumain ay kami naman ang pinakain nila. Nagulat nga ang ibang nag tratrabaho dito sa palace ng makita nilang naka bantay saakin si Heinrich.

Ako rin naman ay nagulat eh. Binilisan ko na lang ang pag kain ko at agad na hinarap si Heinrich.

"What do you need heinrich?"Ani ko sa kanya.

Linapit nya ang muka nya saakin kaya mas lalo akong nagulat. "I'll send you to your room."Sabi nya at inalis na ang muka nya saakin. Marahan naman akong umiling.

"No need Prince. Kasabay ko naman po si Dashiel."At parang naging cue ang sinabi kong yun para sa kanya dahil sumimangot sya bigla at umalis na. Napa kamot na lamang ako ng ulo. Bat ba ang gulo ng utak ng isang yun?

Nang matapos na si Dash kumain ay dinaluhan nya na ako sa pag punta sa room namin. Habang nag lalakad kami ay di nya mapigilang mag tanong.

"Ano yung eksana kanina dun? In love na agad sayo Liberty?"Natatawa nyang sabi. Luminga linga ako sa paligid para tingnan kung may naka rinig ba sa sinabi nya. At laking pasasalamat ko dahil wala namang tao.

"Shh ka nga lang dyan. Hindi no!"Ani ko. Tawa pa rin sya ng tawa hanggang makarating kami sa kwarto namin.

Nag hilamos na lamang ako at humiga sa kama ko. Inabot ko ang phone ko at sinet ang alarm sa alas singko ng umaga. Sigurado naman akong maninibago ang katawan ko dahil sobrang aga ko kailangan gumising araw araw. At ipinag dadasal ko na sana ay maka yanan ko ito.

Ilang oras na ako nakahiga ngunit hindi ko pa rin nahahagilap kung nasaan na ba ang antok ko. Namamahay pa ata ako. Bigla ko namang naalala ang teddy bear na lagi kong kayakap tuwing gabi.

Kinuha ko ito sa maleta ko at hinigpitan ng yakap dito. Si mommy naman talaga ang may ari nito. Kaso ang sabi nya, nung mga dalawang taong gulang pa lang ako ay hindi ko na tinigilan ang teddy bear na hawak ko ngayon simula nung nayakap ko sya.

The Forbidden Love Of a KILL.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora