Chapter 43

1.9K 103 63
                                    

"Isa pa." Lasing na lasing si Elmo pero hindi pa rin sya tumitigil.

"Tama na." Sabi ni JL sakanya at inagaw ang baso.

"Wag mo ko pakeelaman." Sabi ni Elmo at inagaw muli kay JL ang baso kaya natapon ang alak.

"Elmo ano ba!" Sigaw ni JL.

"Sinabi ko bang pumunta ka dito, ha!? Iwan nyo na ko! Iwanan nyo na ko! Hindi ko kayo kailangan!" Mariing umigting ang panga ni JL.

"Sa tingin mo sa ginagawa mong yan, babalik sya sayo? Tarantado ka pala eh!" Sigaw ni JL sa kaibigan.

"Oo tarantado ko! Tarantado ko! Masaya ka na ha!? Masaya ka na!"

"Sir, nakakagulo na po kayo." Awat sa kanila ng gwardiya.

"Wag kang makielam dito! Hindi mo ba ko nakikilala!? I am ATTORNEY ELMO MOSES MAGALONA! I am somebody, so shut the fuck up!" Sigaw ni Elmo dito.

Agad naman syang inawat ni JL. "Elmo, let's go home." At pinilit akayin si Elmo.

"No. Wag mo kong pakeelaman." Sigaw nito habang nasa parking lot sila.

Inis na inis dito si JL. Nagpumiglas pa ito at natumba silang dalawa.

"Tangina ano ba!" Sigaw ni JL.

"Sinabi ng tumigil ka na eh!" Dagdag pa nito.

Nakasalampak lang naman si Elmo sa sahig habang si JL ay nakatayo sa harap nya.

"Ano? Ganyan ka nalang? Tingin mo pag gumanyan ka maaawa sya sayo? Gago! E ayaw na nga nya diba? Sige yan gusto mo diba! Yan gusto mo!" Sabi ni JL at tinulak pa sya.

Ayaw man nya gawin ito sa kaibigan pero alam ni JL ang dinanas ni Julie. At ayaw din nyang masira si Elmo ng tuluyan.

"Hindi mo sya minahal!" Sigaw pa ni JL.

"Mahal ko sya! Mahal na mahal ko sya!" Hagulgol nito.

Para namang piniga ang puso ni JL.

"Dude. Maling mali kasi eh."sabi ni JL at nilapitan ang kaibigan.

"Ayusin mo ang sarili mo. Patunayan mo sakanya na may babalikan pa sya sayo. Elmo, please. Umpisahan mo sa pagbalik sa Firm." Sabi ni JL.

Hindi naman sumagot si Elmo at tahimik lang na umiyak.

--

Attorney Elmo Moses Magalona, balik-abogado na matapos ang halos tatlong taon na pamamahinga. Ang tanong, nasaan na nga ba si Attorney 2?

Binaba ni Julie ang newspaper at mapait na napangiti.

Isang buwan na sila dito sa Pilipinas at ngayon lang sya nakasagap ng balita mula sa dating asawa.

"Ano yan?" Tanong ni Marivic.

Agad namang tinago ni Julie ang newspaper. "Wala po, Ma."

"Pakita." Sabi nito at kinuha sa likod ni Julie ang newspaper.

Binasa nito ang nilalaman. "Bumalik na pala sya anak no?" Sabi ni Marivic.
"Opo ma."

"Kumusta ka naman anak?"

"Ayos lang ako, ma." Pagsisinungaling ni Julie.

Ang totoo ay affected sya sa nabasa.

"Balik abogado na sya. Malamang liliit nanaman ang mundo nyong dalawa. Anak paano si Jezreel?"

"Ma, hindi nya makukuha si Jezreel saatin. Wala syang karapatan kay Jezreel." Pahayag ni Julie.

"Anak.."

Law of LoveWhere stories live. Discover now