Chapter 45

2.4K 100 81
                                    

Ginawa ni Elmo ang sinabi ni Nash. Naghihintay sya araw araw sa harap ng bahay nila Julie.

Napaayos ang upo ni Elmo at napahawak ng mahigpit sa manibela nang lumabas ang bata kasama ang isang lalaki. Kung di sya nagkakamali ay iyon ang kasama ni Julie sa mall ilang linggo pa lang ang nakalipas.

Hindi maiwasan ni Elmo ang mainggit ng makita nya kung gaano kasaya ang dalawa. Hindi rin nya maintindihan pero nang kapain nya ang pisngi nya ay mayroong butil ng luha doon.

Siguro dahil iniisip ko na dapat tayo ang pamilya, Julie..

Pinagmasdan nyang mabuti ang bata.. parang nakita na nya ito at para bang matagal na nyang kilala.

Kagaya ng sinabi ni Nash ay kinuhanan nya ito ng mga litrato. Hindi nya alam pero parang hinaplos ang puso nya nang masilayan nya ang magandang ngiti ng bata.

Nang pumasok ito sa bahay ay agad pinaandar ni Elmo ang makina ng kotse nya at nagdrive paalis.

Pabagsak syang umupo sa couch ng condo nya. Yes, bumalik sya sa condo. Iniwan nya ang bahay nila ni Julie. Hindi pa nya kaya bumalik don at hindi sya babalik don nang hindi kasama si Julie Anne.

Isang taon pagkaalis nya sa bahay na yon ay nagdesisyon syang pumunta kay Dana para alagaan ito. Pero tulad ng sinabi ng doktor, hindi ito nagtagal. Namatay din ito.

Hindi man aminin ni Elmo ay lubos syang nasaktan sa pagkawala nito. Siguro dahil ay umaasa syang mabubuhay pa ang dalaga.

Bago ito mamatay ay nagbitaw ito ng salita.

"Balikan mo sya. Kailangan ka nya, Elmo."

Hindi na sya dumalo sa burol nito at diretsong umuwi sa Maynila.

Habang nasa Cebu sya ay walang araw, minuto at oras ang lumipas na hindi nya minahal si Julie. Hindi nya ito kinalimutan.

Hindi sya tumigil mahalin ito kahit nasa malayo sya. Ilang beses nyang hiniling na sana maayos na ito. Kung kumakain ba ang asawa nya o hindi ba ito nagkakasakit. Ayos na kaya sya matapos nya itong iwan.

Noong gabing umalis sya.. noong gabing narinig nya ang boses ni Julie na nagmamakaawa. Para syang pinapatay. Pero ginawa pa rin nya yung alam nyang tama noong mga panahong yon. Na ngayon lang nya na realize na maling mali.

Pagdating nya ng Maynila ay umabot halos ng dalawang taon syang nabuhay mag isa. Galit ang sumalubong sakanya.

Galit ng sarili nyang pamilya. Galit ng kapatid ni Julie. Ni Maqui. Lalo na si JL at si Nash.

Doon din nya napag alaman na umalis si Julie ng bansa. Gusto nyang sapakin ang sarili nya noon.

Flashback :

"M..mosey?" Gulat ang bumabalot sa mukha ni Maxene nang makita nya ang kapatid.

Nakatayo sya sa gate ng bahay nila.

Agad pinagbuksan ni Maxene ng gate ang kapatid nang makumpirmang si Elmo nga ito.

"Ma! Dad! Si Elmo po!" Sigaw ni Maxene.

Agad nagsilabasan sila Frank at ang buong pamilya.

"E..elmo?" Naluluhang sambit ni Pia.

Bago pa ito mapuntahan ni Pia at yakapin ay bumagsak na ito sa lupa. Sinapak ito ni Francis.

"Dad!" Sigaw nila.

"Bakit ka nandito? Hindi ka pa ba masaya don?" Bulyaw nito sa anak.

"D..daddy.."

Law of LoveWhere stories live. Discover now