Prologue

161K 4.5K 159
                                    


Minsan sa buhay mo, hindi mo napapansin ang mga bagay na dapat mong pahalagahan. Nagiging busy kasi tayong abutin ang mga bagay na gusto nating makuha at akala nating magpapasaya sa atin. Hindi natin napapansin na nasa tabi na pala natin ang tunay na makakapagbigay sa atin ng ligaya. Nakakalungkot dahil saka lang natin nare-realize ang mga bagay na mahalaga sa atin kapag wala na ito.

Parang ako...

Pinanindigan ko masyado ang role ng pagiging kontrabida. Marami akong ginulong buhay. Nagawa ko pang manira ng isang relationship.

At katulad ng mga nangyayari sa bawat pagtatapos ng isang istorya, heto ako, ang kontrabida. Talo at miserable.

Pero alam kong may pag-asa pa.

Kaya nga lulan ako ng eroplanong 'to ngayon eh. Gusto ko pa kasing humingi ng second chance.

Alam kong tinrato nila akong kontrabida. Pero umaasa ako na kahit papaano....

....may happy ending din na naghihintay para sa akin.

The Other Side (Book version)Where stories live. Discover now