Chapter 16

53.7K 2.2K 166
                                    

Chapter 16


Pinunasan ni Terrence ang mga luha sa pisngi ko habang ang mga luha naman niya ang patuloy na dumadaloy sa kanyang pisngi.

Hindi ako makapagsalita. Napaiwas na lang ako ng tingin sa mga mata niya and that was the time na naramdaman kong ayoko na ng ipinapagawa sa amin ni Direk. Hindi ko na kaya.

Maya-maya pa ay nakarinig kami ng malakas na palakpak mula kina direk, Angel at Kiel.

"Nice one! Ganyang-ganyan ang gusto kong makita! Hindi nga ako nagkamali sa pagpili ng mga lead roles ko!"

Tumayo si Terrence at inalalayan niya akong tumayo. Pinunasan niya ang kanyang luha bago siya tumingin kina Direk para ngitian ito.

"Thank you po!"

For a moment, gusto kong papaniwalain ang sarili kong acting lang ang lahat ng sinabi ni Terrence kanina. But I knew better. At ayokong tanggapin ito.

"Good job, guys! I'm hoping na madala niyo itong mga emotions na ito sa mismong production." Tumayo na si Direk. "Pwede na kayong bumalik sa mga rooms niyo. See you tomorrow. Sleep well, okay?"

Nagpaalam na kami sa kanya at nagsipasukan na rin sila sa kani-kanilang rooms. Nakita ko pang lumapit si Kiel kay Angel at hinalikan niya ito bago siya pumasok sa room.

Napahinga na lang ako ng malalim at lumabas ako ng villa. Naupo ako sa bench na nasa labas. Gusto kong magpahangin at mag-isip. Gusto kong i-klaro ang nararamdaman ko. Kaya lang, bago ko pa magawa ang mga bagay na 'yun, nakita ko si Terrence na papalapit sa akin.

"Hindi ka pa matutulog?" tanong niya nung makalapit na siya sa akin.

"Hindi pa. Mauna ka na lang."

"Misha, about dun sa sinabi ko kanina—."

"Ah! Grabe, ang galing mo palang umarte, Terrence!" pagputol ko sa sasabihin niya and then I gently pushed him away. "Ikaw ha! May paiyak-iyak ka pa kanina! Pero daya mo, sabi ni Direk based on real experience eh."

"Umaarte?" huminga nang malalim si Terrence at hindi na siya ulit umimik. Awkward silence. But after a while, biglang kinuha ni Terrence ang kamay ko at hinawakan niya ito.

"Paano kung sabihin ko sayong totoo ang lahat ng sinabi ko?"

Umiwas ako ng tingin. "Talaga? Wow, may ganun ka palang experience."

"Misha naman eh!"

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko dahil biglang nagtaas ang tono ng kanyang pananalita.

"Ganyan ka ba talaga kamanhid?! Misha, mahal kita!"

Pakshet.

Umiwas uli ako ng tingin. Matagal ko nang ramdam at alam 'yun pero bakit nung sinabi niya sa akin 'to, nagulat pa rin ako? Parang ayaw ko pa ring maniwala.

"Stop talking nonsense."

"Nonsense?! Misha, wala ba talagang kwenta ang mga sinasabi ko sa'yo?"

"No! Hindi mo ako pwedeng mahalin!"

"Bakit hindi?! Dahil ganito lang ako? Dahil sa paningin mo, isa lang akong hamak na stupid nerd na lampa na tatanga-tanga at duwag? Ganun ba 'yun? Dahil ba hindi ako katulad ni Kiel?" napahilamos siya sa kanyang mukha at kitang-kita ko ang frustration dito.

Napahinga ako ng malalim at parang may biglang kumirot sa puso ko. Nasasaktan ako at ang nakakapagtaka ay dahil 'yun sa paniniwala ni Terrence na mas higit si Kiel sa kanya.

"Hindi 'yun dahil doon, Terrence! Bakit ba kasi nahulog ka sa'kin? Dapat si Angel ang mahal mo at hindi ako!"

"Bakit mo ba ako dinidiktahan kung sino ang dapat kong magustuhan?! Bakit hindi pwede na magustuhan kita, Misha?!" hinila ako ni Terrence at niyakap niya ako ng mahigpit. "Please, Misha. Please. Kahit ganito ako, kahit hindi ako kasing cool ni Kiel, mahal kita higit pa sa pagmamahal na kaya niyang ibigay sa'yo."

"A-ano ba, Terrence? Bitawan mo 'ko!"

Nagpumiglas ako sa yakap niya pero mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa'kin.

"Hindi ko alam kung paano nagsimula itong nararamdaman ko sa'yo pero kung alam mo lang, pinigilan ko 'to. Kaso habang tumatagal, mas lalong tumitindi ang pagkagusto ko sa'yo eh. Isang araw, nagising na lang ako na ikaw na ang gusto kong makasama at hindi na si Angel. Kada makikita kitang nasasaktan dahil kay Kiel, nasasaktan din ako. Misha, mahal ni Kiel si Angel. Mahal na mahal niya 'to. Please, kalimutan mo na siya. 'Wag na lang siya ang mahalin mo. Pwede bang ako na lang? Please Misha, ako na lang."

Bigla na lang tumulo ang luha ko dahil sa mga sinabi ni Terrence.

"You're a stupid nerd. You are a stupid, stupid nerd," halos pabulong kong sabi sa kanya. "Bakit hinayaan mo ang sarili mong mahulog sa'kin? Alam mo naman na kay Kiel lang ako sasaya 'di ba? Sa kanya lang."

Humiwalay si Terrence sa pagkakayakap sa'kin.

"Misha, please..."

"Tama na! Please, 'wag ka nang magmakaawa sa'kin. 'Wag na nating pahirapan pa ang mga—."

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla na lang akong hinila ni Terrence papalapit sa kanya at mariin niya akong hinalikan. I tried to push him away pero mas malakas siya sa akin. Nang makakawala ako sa halik at mga bisig niya ay agad ko siyang sinampal.

"You bastard!"

Tumayo ako at naglakad na papalayo kaya lang bigla uli akong hinatak ni Terrence.

"Sasaya ka ba talaga kay Kiel?"

"Oo, sa kanya lang ako sasaya. Siya ang mahal ko at wala na 'kong mamahalin na iba kundi si Kiel lang," mariin kong sabi sa kanya para bawat salita ko eh tumatak sa isip niya.

He looked so hurt, so miserable. Parang sasabog ang puso ko dahil sa ipinapakita niya.

Napahinga siya ng malalim.

"Kung sa kanya ka sasaya, wala na 'kong magagawa. Bukas, 'pag tulog na ang lahat ng mga tao, pumunta ka sa lugar na 'to. Pangako, magiging sa'yo na si Kiel." 

The Other Side (Book version)Where stories live. Discover now