vam P.o.V
its been a month .
5 months na ang nakakalipas , at hulaan nyo ? Sikat na kami ng barkada , dahil sa pagsali ng band competition , nanalo kami duon . nasali nadin kami sa ibat ibang band competetion sa ibat ibang school .
si moon ? wala na akong naging balita sa kanya. i mean hindi na kami nag kikita. nababalita pading pumapatay sya , ewan ko kung sya pa ba yun .
lagi akong nag aantay sa bakanteng lote pero walang moon na dumadating .
simula nung halikan ko sya , hindi na sya kailan man nag pakita sa akin .
andito ako sa bakanteng lote at inaantay ko sya.
nakatingala ako at nakatingin sa buwan .
" bat ba lagi nalang kitang naalala ? tsaka ang tagal mo namang mag paramdam ohh . miss na miss na kita ehh ! " sabi ko ng malungkot .
maya maya may narinig akong babaeng tumili .
bigla akong tumakbo at may nakita akong babaeng hinahabol ng aso .
" wahhhh tulongggggg " sigaw nya.
tumakbo ako at sumipol , para tawagin ang aso.
lumapit sa akin ang aso at umupo .
kumuha ako ng stick at tinapon yun sa malayo .
hinabol nya yun at nabaling ang tingin ko sa babae.
lumapit sya sa akin hindi ko gaano ma aninag ang mukha nya dahil medyo madilim dito.
" salamat ah ? salamat dahil niligtas mo ang buhay ko. " sabi nya
wait ! yung boses nya ! b-boses ni.
" ahmm ako nga pala si moon ! " sabi nya at nilahad ang kanyang kamay.
bigla akong nanlumo sa sinabi nya. parang gustong tumalon ng puso ko , pero may side na naiinis ako ah basta ang gulo gulo talaga.
" w-wala yun ! ahm ang ganda naman ng pangalan mo . sino nag pangalan sayo ? " tanong ko ng medyo nanghihina.
" ah thank you , yung ina namin. " sabi nya
" ahm , san kaba nakatira ? ihahatid na kita " sabi ko
" hmmm actually , wala akong bahay , kahit nga pamilya wala din ako ! " sabi nya ng nakayuko
" bakit ? asan ang magulang mo ? " tanong ko.
" tsk hayst kahit sabihin ko sayo di kadin maniniwala. ano nga pala pangalan mo ? " tanong nya
bigla akong nanlumo sa tanong nya.
hindi nya ako kilala ? bakit !?
" ahm hindi mo ako kilala ? " natanong ko bigla
" halerr ? kakakilala lang natin ngayon no ? alangan naman kilala na kita agad bago kita makita.ngayon ! " sabi nya
nagulat ako sa sagot nya. bakit ? pagkatapos ng mga gabing pagsasama namin ? teka ? ano ngabang pinag samahan namin ?
" ah ako nga pala si vamvam. " sabi ko nalang
" oww nice to meet you vam , alam mo parang nakita na kita nuon ehh , pero hindi impossible. ahm vam ? pwede bang ..... " hindi nya tinuloy yung sasabihin nya
" anong pwede bang ? " tanong ko
" pwede bang makitira sa bahay mo ? " tanong nya
" ah kasi .... "
" nako hindi baka hindi pumayag magulang mo. tsaka nakakahiya " nakayukong sabi nya.
" ahm hindi , for sure papayag talaga sila. " sabi ko ng dirediretso
" ahm salamat napaka buti mong tao " sabi nya
hinawakan ko ang balikat nya. at pinaikot ko siya . halata mo sa mukha nya na gulat na gulat siya.
bakit ? asan na yung mga pak pak nya ?
" asan ang mga pakpak mo ? " tanong ko na tinitignan anv likod nya.
" anong pakpak ang pinagsasabi mo dyan ? may sakit kaba ? " tanong nya
tsk anyare ba sa kanya ?
hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at tinitigan ang kanyang mata.
pula padin ito .
tinignan ko din ang kanyang buhok . puti padin. hayst ano bang ? hayst
" ikaw si moon diba ? " tanong ko
" oo nga ako si moon . tara na punta na tayo sa bahay nyo pagod na ako " saad nya.
nag tungo na kami sa bahay ........
A/N:
HI GUYS ANOTHER UPDATE HIHI WHAT DO YOU THINK ? AHM PARANG GINAYA KO YUNG HI SCHOOL LOVE ON NO ? PERO HINDI TALAGA PAREHO , DAHIL MAS MAGANDA YUN . HAHA XDJOKE LANG IBA YAN PROMISE MALALAMAN NYO SA IBANG KABANATA ;)
![](https://img.wattpad.com/cover/67032093-288-k831985.jpg)
BINABASA MO ANG
Moon ( COMPLETE )
Fantasynagsimula lahat ng ito sa bakanteng lote , naging mag kaibigan , hanggang sa palagi na silang mag kasama . na inlove sa isat isa , at nakalimutang bawal pala sa isang legendary anghel killer ang humalik sa taga lupa. kaya naman nagkaroon ng parusa...