Chapter 18! Legal Counsel (Part 1)

3.1K 26 2
                                    

Nagising si Nica na magaan ang pakiramdam.

She's still wearing the blue dress.Habang yung coat ni Matthew ay nakakumot sa kanya.

Noong una ay nagtaka pa sya kung nasaan sya,ngunit nang mabatid nya na sa condo pala sya dinala ni Matthew ay agad na rin syang bumangon.

.

.

Agad nyang hinanap si Matthew.Ngunit wala ang binata.

.

.

Inisip na lang nya na marahil ay tinupad nito ang napagkasunduan nila na hindi na ito matutulog sa condo.

.

.

Habang nagka-kape si Nica ay kasabay rin nyang inaalala ang mga nangyari nung nakaraang gabi.

.

.

Ang huli nyang naalala ay yung nakapasan sya sa malapad na likuran ng binata.

Nakatulog sya habang nakapasan dito.Dahilan kaya hindi na nya namalayan na dito pala sya hinatid ni Matthew sa condo.

.

"teka...Totoo ba talaga na pumayag akong magpanggap bilang fianceè niya??.." she asked herself.

.

.

"Nica...Alam mo ba kung ano ang pinasok mo?!!" sabi pa nya habang tinitingnan ang sariling reflection sa iniinom nyang kape.

.

.

Hindi rin nya mapigilan ang pag-ngiti kapag naaalala nya ang pagiging concern sa kanya ni Matthew nung gabing iyon.

"haaizt..Bahala na!! Magtiis ka muna Veronica! It's for a year lang naman!! Kaysa naman lunukin mo ang pride mo against sa daddy mo na tiniis mo ng tatlong taon! At makasama habang-buhay ang sadistang Nathan na yun!!" she reminded herself.

.

.

Ilang sandali lang ay tumunog ang doorbell.

.

.

She opened the door.

.

.

"Ito yung mga gamit mo!!..Kinuha ko na sa cafè!!" sabi ni Matthew sabay bigay kay Nica ng mga bag.

"Magpalit kana ng damit!! Nagpaghahalataan na hindi ka pa naliligo eh!..Hindi ka pa rin ata nagto-toothbrush nuh!"

.

.

*blaaaaaaaag!!*

.

Biglang sinara ni Nica ang pinto.

.

.

(ASAAAR 'tong ermitanyong 'to!!.. Ang aga-aga pambwi-bwisit na agad yung ginagawa!!)

.

.

"Hoy amazona!!..Ayusin mo na yang sarili mo ahh!..May pupuntahan tayo! Hintayin na lang kita sa may lobby!!" sigaw ni Matthew sa labas.

.

.

"MANIGAS KA!!..Tsk! Tsk!"

.

.

.

DALAWANG oras na ang lumipas ngunit di man lang lumabas ng unit nya si Nica,kahit pa nakaligo na sya.

.

.

Maghahanda na rin sana sya para sa tanghalian ngunit walang kalaman-laman ang ref pati ang grocery cabinet!

.

.

Wala na syang nagawa kundi ang bumili ng pagkain sa labas.

.

.

Didire-diretso na sana sya sa paglabas nang may biglang sumulpot sa likuran nya.

.

.

"Bakit ang tagal mo??!!.." asar na tanong ni Matthew. "Kanina pa kita hinihintay ah!,atsaka ano ba yang suot mo?..Halatang galing sa ukay-ukay!!"

.

.

"Sino ba may sabi sa'yo na maghintay ka??!! Atsaka pwede ba,wag mo pakialaman kung ano man ang suot ko!"

.

.

Lumapit si Matthew sa kanya.

"I want to remind you na nagpapanggap kang fianceè ko..So you should act and look as a deserving one!"

.

.

(Aba!!..Eh kung basagin ko kaya ang pagmumukha nitong ermitanyong 'to!)

.

.

*groowwwwwwwwwl...*

.

.

Pareho silang natigilang dalawa nang makarinig sila nang isang kalunos-lunos na tunog.

.

.

Gutom na si Nica! Tanging kape lang kasi ang ipinakain nya sa kaawa-awa nyang sikmura.

.

.

"Ano ba naman yan!!..Parang sampung taon ka nang hindi kumakain ah!!.." Matthew commented.

.

.

"Ang dami mong daldal!..Eh kung Ilibre mo na lang sana ako nang tanghalian diba?!.."

BOY meets GIRL-Series#1 (Completed)Where stories live. Discover now