Chapter 29

2.1K 50 0
                                    

Zia's POV

Monday nanaman nakakapagod na ang pagpasok sa umaga. Tch nakakatamad na talagang pumasok -__- wala naman akong magawa kasi nga school days kung sakali mang mag-absent ako mapapagalitan lang din ako ni Mommy. Thuglife -__-

Pag-katapos kong naligo at nakapag-bihis bumaba na din ako para kumain ngunit nakita ko naman si Josh na antok na antok pa at nakapantulog pa , ano nanaman kayang trip nito?

"oy? Bakit hindi kappa nakabihis?" ako

"tinatamad ako " Josh

Tinaasan ko lang naman siya ng kilay with *gusto- mo- bang- mapagalitan- look*

"just kidding couz, susunduin ko si tita mamaya sa airport " Josh

"huh? Uuwi si mommy ? at bakit ikaw pa ang mag-susundo? Pwede namang ako nalang?" ako

"yeah magkakaroon ng party ang amiga niya -___- and sorry couz nauna akong nasabihan kaya ako ang mag-susundo ^____^ hindi ako papasok sa school!!! Aja aja!!" josh

Hindi ko naman na siya pinansin sa pagmamayabang niyang hindi papasok at kumain nalang ako, simple lang naman ang hinanda ni manang Pancake chicken sandwich at malamig na gatas, Yeah mahilig ako sa fresh milk na may ice ^___^

Nagprisinta naman si Josh na siya na ang maghatid sa akin sa school pati siya na din daw ang susundo sa akin mamayang hapon.

_____________________________________

Hay nako ito na nga ang sinasabi ko eh , nakakabagot nanaman , lalo na yung teacher parang naglilitanya kaya karamihan sa mga studyante niya ay inaantok na syempre kasama ako dun , pati nga si Nathan Louie at si clyde nga halos pumipikit-pikit na eh, pero pansin ko may galit sa akin tong teacher na ito kanina pa ako tinitignan.

*YAWN* yan na nga hindi ko na napigilan ang sarili ko, shets inaantok na talaga ako -__-

"Ms. Alcantara ! stand up! Kung inaantok ka sa klase you mas mabuti pang lumabas ka na . hindi yang iinsultuhin mo pa ako sap ag-hihikab mo! " Teacher

Yung mga inaantok na kaklase ko ay parang nabuhayan ng loob dahil sa eksenang ginawa ng teacher namin.

"excuse me Ms. Pero hindi naman pam-babastos ang pag-hihikab, dahil natural lang iyon at hindi nakokontrol" ako

"so sinasabi mon a hindi mo sinasadya ang paghihikab dahil nababagot ka talaga sa klase ko?" teacher

"kung yan ang pag-kakaintindi niyo sa sinabi ko o di sige po, naboboring na ako sa klase mo kaya inaantok na ako, at bakit ba ako nalang ang palagi mong tinitignan ha? Madami din naman akong kaklase na kanina pa din inaantok sa klase mo, kaya kung gusto mong makinig kami mag-isip a naman ng stratihiya na makakakuha sa atensyon namin" ako

"napakabastos mo talaga ! Punyeta kang bata ka napakabastos mo! Ganyan baa ng itinuturo sayo ng mga magulang mo ha?" teacher

"sap ag-mumura ninyo ikaw ang mas bastos sa atin , wala kang karapatang murahin ako at idamay ang mga magulang ko dahil hindi mo ako pinapakain at tignan mo din kung yang binabayad naming sa pagtuturo mo ay nasusuklian mo din ng serbisyo, so mawalang galang na Ms? Get out your wasting our money sa walang kwento mong tinuturo " ako

"bastos ka talagang bata ka!!" at yun na nga umalis na yung teacher habang umiiyak -___- cry baby tch

"wow!! Sana lahat ng teacher natin pinapalabas mo ng ganun Zia!" mga kaklase

Hindi ko naman na sila tinignan at sinagot at lumabas naman na ako sa room at dumiretso sa clinic , kanina pa sumasakit ang ulo ko. Pagkatapos pumunta naman ako sa cafeteria para kumain. Nakakapagod kaya makipagsagutan sa teacher -___- parang presidential debate lang ^____^ hahahhaha

The Boyish PrincessWhere stories live. Discover now