chapter 37

1.7K 31 1
                                    

Zia's POV

Ilang oras talaga ang lumipas kagabi at hindi pa din ako makatulog, dahil lang naman sa sinabi ni Nathan, para bang nabunutan talaga ako ng tinik sa lalamunan, dahil finally wala na siya sa buhay ko , hindi na ako magiging unfair kay Enzo.

"ZIA!! ANO BA! GUMISING KA NA DYAN !! ALAS DOSE NA!!!" yan nakasigaw nanaman si Josh , palagi naman eh , hindi ko nalang siya sinagot at naghilamos na tapos nagtali ng buhok, messy bun.

"yan yan, nagising ka din! Tanghalian na kaya " Josh

"oo alam ko, at isa pa sabado ngayon" ako

"hindi mo ba alam na may gagawin natin yung project natin mamayang 1 PM sa park?" tapos pinabasa pa ni Josh yung Text message sa phone niya .

From :092924............

Hello groupmates we will do our group project tomorrow 1 PM at the park , this is Lexie :)

Kaya naman pala hindi ako updated kasi si Lexie pala ang nagtext -___- asahan pa nga ba?

"oh? Kaya kumain na tayo, para makapunta na tayo doon" Josh

"pwedeng ikaw nalang pumunta? Sabihin mo may sakit ako" sabi ko tapos parang nag-alala naman si Josh at nilagay niya yung kamay niya sa Noo ko para mafeel kung may lagnat ba ako

"hmmm.... Wala ka namang lagnat eh, kaya kung tinatamad ka wala kang kawala sa akin , tara na kain na" Josh

Ano pa nga ba? Eh daig pa niya si mommy kung makalecture sa akin eh -____- kumain na lang ako, ang sarap pa naman ng pag-kain. Pancake tapos naiiba yung sakin kasi hindi syrup yung nilagay, wahahaha chocolate spread ! tapos sandwich , tapos hindi milk yung nakaserve , kundi chocolate drink syempe with ice :) manang knows best talaga ... kapag si mommy? Nako baka pati pagkain na favorite ko hindi pa niya alam -___-

Matapos naman akong nag-drama sa mesa umakyat na ako para maligo at magbihis, ganun din ang ginawa ni Josh,sabi niya sabay nalang daw kami, -__- ang sabihin niya wala pa din siyang tiwala sa akin na mag-drive, ginagawa niya akong bata eh -___-

Waahhh!! Ang gaan talaga sa pakiramdam maligo ng malamig na tubig!! Wushu!! Nakakagising ng mga nerves!!! Nagshampoo na ako syempre strawberry flavor, sabon? Strawberry flavor! Wahahhahaa, oo boyish ako pero pagdating sa ganitong mga bagay hindi!!

Nagbihis na din ako, simpleng white shirt na may print tapos jeans at slippers , yeah sa park lang naman ang punta kaya bat kailangan pang pumorma?? Mag-soshorts lang sana ako, kaso parang ang landi naman at nakakasira sa boyish style ko , kaya jeans nalang.

Nag-dala na din ako ng mga gunting and colored papers baka kasi kailanganin naming sa paggawa ng Collage , hindi pa naman binilin ni Lexie yun -____- pero ngayon hindi na ako mag-aalangan na patulan yang si Lexie kapag may nagawa siyang mali sa akin, wala naman na akong inaayos na image eh, I can be a badass again . hahahha park magdadala ako ng wave board !!

Habang nag-dri-drive si Josh nakatulala lang ako sa labas, dati noong hindi pa ako ganito kadevoted sap ag-aaral ko hindi naman ako lumalabas ng weekened eh pero ngayon, hay ewan talaga. Noong nakarating na kami sa park si Lexie palang at si Louie yung nandoon at kung makatingin talaga itong Lexie na ito!! Geez pikon na talaga ako

"*taas kilay* ano? Done checking my outfit? So ako naman?" ako

"mag-shoshort skirt ka? Tapos ang punta mo ditto sa park? Kaya mo kayang umupo sa lapag niyan? Ano mag cro-croptop ka? Wala namang laman yan? *sabay tingin ko sa hinaharap niya?*" ako

"you pevert!!" siya

"ayan, ngayon mahihiya ka? Don't wear stupid clothes kung ayaw mong mabastos" ako

Mukhang nang-gagalaiti na ang bruha at sinugod niya ako, suck a weakling *smirk* sasampalin niya sana ako pero nahigit ko yung wrist niya kaya napigilan ko yung sampal niya

"let go of me!!" sigaw niya kaya binitawan ko na siya, pero hindi lang basta bitaw, syempre with force kaya ayun natilapid sa lupa ang bruha ! wahahaha yung si Louie tulala na shocked tapos si Josh naman naka smirk lang.

Maya-maya lang dumating na si Nathan, ni tignan nga ako hindi niya magawa eh -___- since kumpleto na kami nag-discuss na din si Nathan about sa plan, wala naman akong naintindihan masyado, pano kasi epal ng epal si Lexie -_____- si Nathan naman muntangang ngiti ng ngiti , di sila na ang happy .

Wala naman na akong ibang maitutulong kundi ang maggupit ng mga pictures , well kami ni lexie taga cut samantalang yung mga lalake nag-dradrawing tapos pinipaint na din nila. Habang naggugupit kami nitong pictures na ito, ang sama talaa ng tingin sa akin !! tapos bigla nalang akong tusukin ni Lexie sab inti ng gunting buti nalang nailagan ko. Napa smirk nalang ako tapos tinutok ko sa kanya yung gunting ko

"try to do it again , ill kill you without hesitation " ako

Inirapan nalang niya ako, nakakapikon talaga siya !! tapos ang bagal-bagal pa niyang maggunting. 20 pages lang ng pictures naka 5 na ako siya dalawa pa lang? akala naman niya ! mas mautak ako. Binilisan ko pa ang pagguguting ko pero sobra talaga ang dami nung pictures kada page eh !! ang sakit na sa kamay !!!

"babe!! Bili muna tayo ng maiinom nating lahat my treat " Lexie

Tch at ano? Pinamumukha niya sa akin na kayang-kaya lang niya kaming ilibre?

Naglabas ako ng 1000 tapos binigay ko sa kanya . with *I –can- pay- my- own- bills- look*"

Kinuha nalang niya iyon tapos umalis na sila ni Nathan, pinagpatuloy ko nalang ang paggugunting, natapos ko na yung 12, well fair na yun dapat nga tag 10 kami kaso kinuha ko na yung dalawang page bayad sa pagbili ng inumin ko. Pumunta ako sa swing na bahay-bahay hindi ko alam ang tawag doon , tapos sumonod naman sa akin si Louie

"hey? Anong nangyare ?" siya

"anong sinasabi mo?" ako

"about sa inyo ni Nate? Parang kahapon lang mag-kasama kayo, tapos ngayon parang hindi na kayo magkakilala" siya

"well? Lets just say na the show is over, tapos na, wala na hindi na kami engage " ako

"huh? Yun ba ay nangyari kahapon? Im sorry" siya

"no wala ka namang kasalanan at no hardfeelings naman, we all know na arrange lang ng mga parents naming yun, walang feelings na involved " mariing pagpapaliwanag ko hindi naming napansin nandyan nap ala yung dalawa

Nag- starbucks pala sila -___- tapos kinuha ko na yung venti doon na may pangalan ko . tapos nakahiwalay na plastic yun nandun na din yung sukli ko -___- ininom ko lang ng ininom tapos after that nagtrabaho na ulit ako, unlike nila na paeasy –easy may gugustuhin ko pang mag-trabaho nalang.

Woah!!! Natapos ko din tapos nag-inat inat pa ako, samantalang si Lexie wahahahaha ! ang kupad!! Noong natapos na ako parang inilalahad ni Nathan yung kamay niya inaabot yung mga pictures na naayos ko na at ready ng idikit sa mismong base , pero pag-kaabot ko sa kanya nung mga pictures, nadikit yung kamay ko sa kamay niya, parang napaso yung kamay ko sa kamay niya kaya binawi ko agad yung kamay ko, geez! This is so awkward , nagpaalam nalang ako sa kanila na tapos ko na yung trabaho ko, aantayin ko nalang si Josh, pinayagan naman nila ako.

Nilapitan ko si Josh para himin yung susi ng kotse kukunin ko lang yung waveboard ko, hinagis nman niya yung susi kaya pumunta nalang ako sa sasakyan. Noong papunta ako sa likod ng sasakyan bigla nalang may kamay na tinakpan yung mata ko....

A/N

Abangan ang magiging reaction ni Zia ! magcoment po kayo :)  

The Boyish PrincessWhere stories live. Discover now