Chapter 29

2.8K 65 0
                                    

CHAPTER 29

DAVE'S POINT OF VIEW

Nanginginig akong lumapit sa babaeng halos wala ng buhay sa daan. Duguan ito at wala nang malay.

Nanginginig na ang buo kong katawan habang unti-unti itong nilalapitan.

Parang bigla akong nawalan nang butong napaluhod sa harap nito. Iniangat ko ang katawan nito sa aking mga bisig.

"H-hindi totoo ito." Ayaw tanggapin ng sistema ko ang tagpong ito. Halos panawan na rin ako ng ulirat. Ayoko, hindi totoo ito.

Hanggang tumambad sa akin ang duguang mukha ng aking asawa. "Aaaaaahhhhh..... Micaellaaaaaaaa ......" Palahaw ko.

Hilam sa sarili kong mga luha ang aking mga mata habang buhat si Mica na isinusugod siya papasok ng ospital.

"Doktor, doktor." Malakas na sigaw ko. Sinalubong ako ng doktor kasama ang ilang tauhan ng ospital na may dala nang stretcher.

Inilapag ko doon ang aking asawa at agad nilang nilagyan ng oxygen ang bibig ni Mica. "Doc, doc, tulungan n'yo asawa ko, doc. Parang awa n'yo na. Buntis ang asawa ko doc." Pagmamakaawa ko habang patakbong isinusugod ng mga ito si Mica papasok sa E.R.

"Hanggang dito ka nalang po, mister." Pagharang sa akin ng isang nurse, at mabilis nitong isinara ang pinto ng E.R.

"Parang awa n'yo na tulungan n'yo asawa ko." Hinaing ko. Hilam na ang aking mga mata sa luhang hindi maampat-ampat.

Humahangos namang dumating ang mga magulang ng aking asawa, kasunod nito ang mga magulang ko, pati narin sina Zrei, Mia, at Blade.

"Anong nangyari sa anak ko?" Humahagulgol na tanong sa akin ni Mama Annie habang mahigpit ang pagkalahawak nito sa sleeve ng polo ko.

Pag-iyak lang ang tangi kong tugon sa kanila.

Hindi na kinaya ng katawan nito ang labis na pag-aalala kung kaya't nawalan na rin ito ng malay.

Panay narin sa pag-iyak ang mga kaibigan ng aking asawa sa labis na pag-aalala.

JURIE'S POINT OF VIEW

Mabilis akong nagpa-book ng ticket pabalik ng Korea nang mabalitaan kong nakulong si mama at pinagtatangkaan ang buhay nito.

"Anak, ilabas mo ako dito. Papatayin nila ako dito." Daing ni mama sa'kin bago ito nawala sa kabilang linya.

"Mama? Mama? Anong nangyayari sa'yo mama?" Paulit-ulit kong tanong kahit wala na ito sa kabilang linya.

Mabilis akong nag-impake ng iilang gamit ko at winidrow kong lahat ang natitirang perang nakuha ko sa aking ama. Kailangan kong mailabas si mama sa kulungan.

***

DAVE'S POINT OF VIEW

Mahigit isang oras na kaming naghihintay sa may pinto ng E.R. ngunit magpahanggang ngayo'y hindi pa lumalabas ang doktor na gumagamot sa aking asawa.

Maya-maya pa'y may dumating na mga pulis kasama ang mga kaibigan ko. Sila ang nagreport sa pulisya upang imbestigahan ang nangyaring aksidente.

"Mr. Lee, ako po si SPO3 Ramos." Pagpapakilala nito at inilahad ang palad sa akin. Tinanggap ko naman iyon. "Ano pong balita? Natukoy niyo ba ang nakabangga sa asawa ko?"

Habang kausap ko ang mga pulis ay nakapaikot naman sa amin ang mga kaibigan at mga magulang ko.

"Base po sa aming imbestigasyon sa mga nakasaksi ng aksidente, tinted ang buong salamin ng isang itim na toyota vios at for registration pa ang plaka nito."

"I'm Just A Rebound" [Completed]Where stories live. Discover now