Chapter 27

10.2K 246 12
                                    


A/N: Beware of switching POVs

Earl's POV

So nagdaan na nga ang maraming araw. (Naks. Edi nye!)

Pero yun na nga, days had passed matapos ang School Fest Week.  P.A parin kami ng KS pero wala na kaming masyadong ginagawa. Pinaglilinis lang kami ng headquarter nila then yun tapos na agad. Pag naman may photoshoot, di na rin kami sinasama. Nag-aaway pa rin yung sila AJ pati yung ibang KS pero madalang nalang. I don't know. Ako lang ba o sadyang medyo naging matahimik sila. Kapag nandon kami sa headquarter nila, madalas kong naririnig yung usapan nila, hindi ako tsismosa ah, sadyang malapit lang ako sakanila pag nag-uusap sila, at mukhang wala rin naman silang paki kahit marinig pa namin. So yun nga, ang madalas kong naririnig sa kanila ay 'Nag message ba ulit?', 'Kailan ba talaga?', 'I'm so eager to see them', 'Papano kaya natin sila makikita', at 'Kailan ba yung soon?'

Hindi ko maintindihan yung pinag-uusapan nila pero malakas yung kutob ko na may kinalaman yung gang life nila dyan. Wala lang, feel ko lang.

So ngayon ay ordinary day lang naman at ako'y kasalukuyang naglalakad patungong room. Naghihikab pa ako ng patago dahil napuyat talaga ako kaka-review kagabi sa English at Physics. May quiz kasi kami.

"Puyat?", bungad na tanong ni AJ pagpasok na pagpasok ko

Aga ata?

Umupo muna ko sa upuan ko, sa tabi nya bago ako tumingin at tumango

"Why?"

"Review"

"Huh? May quiz?", tanong nya na may mukhang kabado

Na-shunga na naman to. Hulaan ko hindi to nakapag-review

"Yep!"

Bigla syang nagpanic saka nilabas yung mga notebooks nya... na unti lang yung sulat

"Hala? Saan?"

Nagbubuklat na sya ng notebooks nya kahit di ko pa naman sinasabi kung anong subject

"English and Physics, hindi ka nagreview noh?", sabay tawa ng kararating lang na si Eunice

Umupo naman sya sa tabi ko

"Wag mo nang ipamukha", inis na sabi nya
"Kaya pala, maaga ako ngayon, may dahilan", then nagbuklat na sya ng notebook at nagbasa

Tumingin nalang ako sa board habang nakapangalumbaba. Tinititigan ko lang yung naiwang bakas ng double-sided tape sa board.

Bakit di nila punasan yun? Ang dumi kaya sa board?

Nakatitig lang ako dun sa board nang matakpan yun dahil may dumaan.. may mga dumaan.

Yung Kingdom Stars!

Lahat sila, kumpleto ata. Dati kasi, pumapasok nga sila pero di naman kumpleto, minsan apat or tatlo lang, pero ngayon, kumpleto!

Napalingon si King sa direksyon ko, naramdaman nya sigurong may sumusunod ng tingin sakanila.

Tsk. Lakas lamang ng pakiramdam.

Syempre umiwas ako ng tingin nung tumingin sya pero bago pa ko makaiwas ng tingin ay naunahan nya na ko. Alam nyo yun? Yung nakatingin na ko sakanya tapos nung tumingin sya mas nauna pa nyang tanggalin yung tingin nya sakin kesa yung pag iwas ko ng tingin dahil nahuli nya kong tumingin sa kanila. Gets? Basta iyun na yun na ipinagtaka ko. Grabe sya ah. Anong meron sakin na parang ayaw nya kong tingnan? Psh! Edi wag! Pinipilit?

"Oh Earl, ba't nakakunot noo mo dyan?", Patrice kasabay si Joyce

Di ko sya sinagot at umub-ob nalang sa desk ko.

The Real Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now