Chapter 31

9.7K 243 8
                                    


*His Feeling*

Earl's POV

"Earl! Dito! Dali!", rinig kong sigaw nung apat habang kumakaway sa akin

Tsk.

Dali dali naman akong nagtatakbo habang hawak yung malaking bag ko papunta dun sa bus sa tapat nila.

Letche kasi. Hanggang ngayon wala padin akong alarm clock, nakakalimutan ko lagi kaya nakakalimutan ko rin gumising nang maaga. Buti nalang at mabilis ako kumilos.

5:00 am palang ngayon at sakto lang yung dating ko.

Kahit na bigat na bigat ako sa bag ko, nagawa ko parin namang tumakbo. Tsk. Hindi pa man din kami umaalis, haggard na ako.

"Ilagay mo na muna yung bag mo dun Earl", Joyce sabay turo doon sa isang pick-up kung saan marami naring bag ang nakalagay.

Nagmamadali naman akong pumunta doon.

Pagkalapit ko, nandoon din pala si Pearl, kasama si King. Itinataas na ni King yung mga gamit nila. Tsk.

Edi si Pearl na nga yung may katulong sa pagbubuhat ng bag. Tsk. Bakit nga ba kasi hindi ako nagpatulong dun sa apat.

Wag ka ngang pabebe Earl! Kaya mo naman eh.

Shut the hell up mind!

Tsk.

Well. Kung tutuusin, kaya ko naman tong bag, normal na sa akin, pakikipagbasag ulo nga kaya ko eh, ito pa ba? Nagtatakbo lang kasi ako kanina at nabigla ata ang balikat ko na pinagsasabitan ng bag kaya ang sakit nito ngayon.

Inalis ko na yung bag ko sa pagkakasabit sa balikat ko saka nagstretching.

Ang sakit! Litsi!

Pagtapos kong magstretch, kinuha ko yung bag ko sa tabi ko without a look kaya ganun nalang ang gulat ko nang hindi ko makapa. Napatingin ako sa lupa na pinaglapagan ko non pero dalawang pares na ng paa ang nakita ko. Inangat ko agad yung tingin ko at nakita ko si King na nilagay na pala yung bag ko sa pick-up. Nasa likod nya si Pearl at iritang nakatingin sakin.

"Salamat", I said coldly then nauna nang maglakad papunta sa bus, nakasunod naman sila dahil same lang naman ang bus namin.

I get myself inside the bus and sit beside AJ, dun kami sa pangalawa sa pinakadulo, doon kami sa dalawahan then yung tatlo doon syempre sa tatluhan sa tapat namin. Sa tapat ako ng bintana.

Kita ko naman yung mga KS at Fakers na pare-parehong dumiretso sa pinakadulo, dun sa mahabang upuan. Malaki tong bus kaya kasya silang sampu sa dulo. Ito kasing bus eh parang personal na pag-aari ng School. Malaki at para talaga sa isang section.

So alam nyo naman siguro kung para saan tong pag-alis namin diba?

"Dala mo yung tent?", tanong ko kay AJ sa tabi ko

"Yep!", she said saka nagpasak ng headset sa tainga nya.

Sya kasi yung pinagdala namin kasi meron naman sya, malaki at kasya kaming lima.

"Kumpleto na ba kayo 4-A?", tanong nung teacher namin sa TLE, Ma'am Oliver

"Yes Ma'am", our effective President

"Alright. Hey Manong, go na kayo", sabi nya kay manong driver matapos tapikin to sa balikat
"Safe trip class, check ko lang yung 4-B, ba-bye!"

"Bye Ma'am!"

Umandar na yung bus namin pagkababa ni Ma'am, nagpasak nalang din ako ng head phones sa tainga ko.

The Real Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now