Chapter 1: The Change

4.1K 67 34
                                    

Alam kong marami na ang magbabago matapos ang gabing ito. Sa wakas matapos ang mahigit sa 9 na taon, natupad na ang matagal ko nang pinapangarap... ang matagal ko nang dinadasal... Sa wakas kasama ko na ang taong lubos na nagpatibok ng puso ko at patuloy na nagpapatibok nito.

Sa unang pagkakataon masasabi ko nang akin si Mateo at ako ay sa kanya at wala nang  pumapagitan  sa amin.
Sa mga sandaling ito tuluyan ko nang isinangtabi ang mga pag-aalinlangan ko; sa mga oras na ito isang bagay lang ako sigurado ako, mahal na mahal ko si Teo at masayang masaya ako sa piling nya.

Niyakap nya ko ng mahigpit habang patuloy na tumutulo ang mga luha namin.

Tumingin ako sa mga mata ni Teo at ngumiti.

"Salamat Teo, salamat at bumalik ka! Thank you for not giving up on me!"

Pinunasan ko ang luha sa mga mata ni Mateo at muli nya akong hinalikan. Hinatak nya ako papunta sa kanya hangang sa tuluyan na kaming bumagsak sa kama. For the first time naramdaman ko ang init ng bisig nya habang nahihimlay ako sa kanyang dibdib.

*I've waited a hundred years.
But I'd wait a million more for you.
Nothing prepared me for
What the privilege of being yours would do.*

Hindi namin namalayan na sa pagbagsak pala namin ay nadaganan namin ang remote ng music player.

Inangat ko ang sarili ko at tinitigan ko ang napaka among muka ni Mateo.

*If I had only felt the warmth within your touch,
If I had only seen how you smile when you blush,
Or how you curl your lip when you concentrate enough,
I would have known what I was living for all along.
What I've been living for.*

Ang matangos nyang ilong, ang mapupula nyang labi, ang mga mata nyang nangungusap na iniilawan ng sinag ng buwan. Kay tagal kong inasam ang mga sandaling ito.

Hindi ko na napigilan ang muling pag agos ng luha sa aking mata, but this time I know for sure, these are no longer tears of despair but tears of love...of genuine happiness.

*Your love is my turning page,
Where only the sweetest words remain.
Every kiss is a cursive line,
Every touch is a redefining phrase.*
Pinunasan ni Mateo ang aking mga mata

"Kailan man hindi ako napagod at hinding hindi ako mapapagod, kahit gano katagal, kahit gaano kalayo, pipilitin kong bumalik sa yo, sa taong pinakamamahal ko...

Ang tagal kong hinintay ang araw na to Marky, ang araw na tuluyan mo na akong mapapatawad, ang araw na muli kong madarama ang pagmamahal mo sakin...

Ang araw na tuluyan na kitang makakasama. Simula sa araw na ito ako na ulit ang maglalagay ng kinang sa mga mata mo, ang magbibigay ng ngiti sa mga labi mo, at ang taong sasalo sayo sa tuming matutumba ka, at magiging sandalan at karamay mo sa lahat ng oras"

*I surrender who I've been for who you are,
For nothing makes me stronger than your fragile heart.
If I had only felt how it feels to be yours,
Well, I would have known
What I've been living for all along.
What I've been living for.*

Sa mga oras na ito ramdam na ramdam ko ang sinseredad ni Mateo sa lahat ng mga sinabi nya. Nababasa ko sa mga mata nya ang magkahalong lungkot at saya, tila nagsasabing " hindi na kita muling sasaktan, ngayon na muli na kitang kasama"

Ngumiti ako sa kanya at pinisil ko ang kanyang ilong.

"Salamat Teo, hindi mo alam kung gaano mo ko napasaya"

"Mas magiging masaya sguro tayo kung bubuhayin mo pa ko ng matagal! Haha kanina mo pa ko dinadaganan ah! Akala mo ba kasing gaan ka pa ng dati?" wika nya

Sir Jin's Boys Next Door : Finale/RetellingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon