Chapter 21

4.2K 61 13
                                    


Andrea Coleen Miranda


Ang bilis ng araw. Parang ngayon lang, February na agad.


MABUHAY ANG SINGLE, MABUHAY!


Obviously, wala akong magawa kaya ganito ako ngayon. Bakit ba kasi hindi ko naging classmate sina Ash? Nang hindi naman boring ang buhay ko. At bakit ba kasi hindi ko masyadong kasundo ang mga classmates ko? Wala tuloy akong ibang masamahan.


Lahat kami sa section namin ngayon nakatunganga. Ang teacher namin dapat ngayon sa Literature ay hindi kami pinasukan, na pabor din naman samin...


Makapag ebook na nga la—-


"Miranda." 


Napaayos ako ng upo nang mabosesan ang tumawag sa'kin. Napalingon ako sa pinto ng room at doon nakita ko ang teacher namin dapat sa time na 'to.


Teka. Saan galing 'to?


"Ay, yes maam!" natago ko agad ang cellphone ko sa gulat, bawal kasing maglabas ng phone during class hour.


"Collect the home works of your classmates and bring it to me in the faculty room." utos niya na agad kong sinunod.


Pagdating sa faculty napansin kong ang daming students. Palingon lingon ako kaliwa't kanan habang papunta sa table ni ma'am. Okay? Anong meron dito?


Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa table niya ay nakasalubong ko na siya, palabas naman siya ngayon.


"Pakilagay 'yan sa table ko, Miranda. And one more thing..."


"Yes, ma'am?" attentive kong tanong.


"Ikaw sana ang gagawin kong sub ko. Pero hindi ka naman mag-iisa, you'll be accompanied by Sanchez of... oh, nandito na pala siya."


Napalingon ako sa gilid namin at agad kong nakita si Ashtine! Wala pa man ay nagningning na ang mata ko.


"Yay! Ash!" I exclaimed nang makalapit siya, pinalo ko pa sa braso bago ko iangkla ang braso ko sa kanya. Bukod sa matawa ay wala naman siyang ibang nagawa.


"Mukhang magkakilala naman pala kayo. That's good." parehong nabaling ang atensyon namin pabalik kay ma'am. Mula sa table niya ay may inabot siyang libro at parang module. "You two will be my ST for today. Nagpatawag ng faculty meeting ang president kaya pasensya kung late notice ito at biglaan, kahit kasi kami nabigla lang din sa announcement. Anyway, here's my scheduled classes for today, nandyan na rin ang lesson plan and activities na ipapagawa niyo. Sanay naman kayo sa ganito kaya madali nalang ito sa inyo. Every ST for today will be given a merit so... give a good shot and good luck. Mauna na ako."


Tinap niya ang pareho naming braso bago nagmamadaling lumabas ng faculty. Napalingon ako sa paligid at maging ang ibang teachers ay palabas na rin. Napatango ako ng wala sa sarili. Kaya naman palang maraming students dito, mga student teacher din sila for today. Kapag kasi may faculty meeting ay ilang oras ag itinatagal no'n, at hindi pwedeng mabakante ang bawat section ng ilang oras lalo na't walang teachers sa paligid dahil nagiging loko loko ang iba at kung anu-anong ginagawa, dahil doon kaya nag-aappoint sila ng ST na titingin sa mga students.

Fouled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon