Chapter 36

4.1K 65 18
                                    


Andrea Coleen Miranda


Pangalawang linggo ng bakasyon and bored na bored na ako. Dala ng boredom ay dinial ko ang number ni Callea.


Sana lang sumagot. Sana.


[Hello?]


Yes sinagot! Mukhang galit nga lang. Hayaan na, at least sinagot.


"Uy, gala naman tayo. Mababaliw ako dito sa bahay. Tahimik, girl." Aya ko at totoo naman. Mababaliw na ako dito sa bahay lalo na't mag-isa lang ako. Parehong nagtatrabaho ang mga magulang ko at ang ate ko ay may summer class.


[Iyan lang itinawag mo?] Masungit niyang sagot at wala pa man ay nalaglag na ang balikat ko. Napasimangot ako, mukhang hindi papayag ang isang 'to.


"Oo eh. Okay lang kung hindi ka pwede o ayaw mo. Si Ash na lang tata"


[Sige na nga, wala rin namang magawa eh]


Nabuhayan ako ng loob, halos mapalundag pa ako sa sofa.


"Yehey! Sama natin si Ash!"


[Hindi ata siya pwede. Ngayong araw na ang alis ni tita. Malamang na ihahatid nila ngayon 'yon]


"Eh?! Ang saglit naman ng vacation niya dito? Teka, ba't hindi tayo sumama? Aalis na pala siya."


[At saan ka sasama, Andrea, sa Canada? Kung ready ka sige, mag-empake ka na. Willing kaming ipadala ka.]


"Impakta ka talaga." Kung kaharap ko siya ay matatakot akong sabihin 'yon pero since through phone ko lang siya kausap, mas may freedom of speech ako. "Airport ba. Airpot. Sana nakihatid din tayo sa airport. Ang dami nating natanggap na chocolates nung dumating si tita, eh." Actually nga ngayon ko lang nakilala si tita pero ang bait bait niya sa'min, lalo sa akin. Pabibo kasi ako minsan. Minsan tamang pa-kwela lang.


[Ayaw niyang magpahatid kahit kanino. Pero mapilit si Jessie, lalo na si Ash. Kaya silang dalawa ang naghatid kanina kay tita, together with Myco. Okay? At, kung gagala tayo, much better kung sa mall ang punta natin. At least hindi masusunog ang balat natin. Ang init.]


"Arte, ah. Sige. Megamall mamayang 11 am. Call?"


[Okay.]


She immediately hangs up the phone. Medyo bastos lang, pero sanay na 'ko. 

***

"Callea!" Tawag ko sa babaeng 'to. Nag-angat siya ng tingin sa'kin mula sa pagtingin sa mga dresses na nakadisplay. "Which one, peach or violet?" Tanong ko sabay angat sa dalawang blouse na pinagpipilian ko.

Fouled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon