Chapter 2-Part 28

3.4K 46 2
                                    

[EDITED]


---

Umaga na kaya agad naman akong bumangon tapos nag unat. Ginawa ko na ang morning routines ko tapos nagbihis lang ako ng romper na halter top tapos naka headband lang ang sunglasses sa ulo.



Paglabas ko naman ay nakita ko silang lahat na nagpaplano sa breakfast namin.



"Basta Grilled Squid lang yung saakin, Kenneth." Ani Julia at Ate Allie.



"Oh Sis? Ikaw? Anong ioorder mo? Si Kenneth nalang daw kasi yung kukuha sa breakfast natin e." Napangiti ako.



"Sasamahan ko nalang si Kenneth na mag order. Oh? May order na ba kayong lahat?" tumango naman sila kaya agad kong hinila si Kenneth papuntang buffet area.



"Ano bang nakain mo?" Napairap ako sa tanong ni Kenneth.



"E papaano ako kakain kung oorder palang tayo? Jusko naman Kenneth e!" Napatingin naman siya saakin ng nakakunot yung noo kaya nginitian ko nalang siya.



Nang makarating na kami sa Buffet Area ay umupo muna ako sa may mga tables at hinayaan si Kenneth na kunin yung reservation card sa cashier at nang makuha na niya ito ay agad naman akong tumayo para tulungan siyang kumuha ng mga pagkain ng biglang may lumapit sa kanya na babae. 



Medyo ---biglang nagtama ang kilay ko at tiningnan lang sila.



"Hi!" Bati nang babae.



"Hello." May ngising sagot ni Kenneth.



"I'm Nadine." Pagpapakilala ng babae. E WALA NAMANG NAGTATANONG!



"I'm Kenneth." ASUS! NAGLALANDIAN PA TALAGA DITO SA HARAP NG MGA PAGKAIN! MAHIYA NGA KAYO!



Naglakad ako papunta sa direksyon nila atsaka nginitian si Kenneth na para bang tutunawin na siya.



"Ano na? Nago-order ka o lumalandi?" Napataas ako ng kilay habang sinasabi yun.




"Can you please hurry up? Oh and by the way Miss.." I looked at the girl.



"There's no time for talking to him. Maybe next time? WHEN I'M NOT AROUND."  Umirap ako sa babae atsaka agad na hinila si Kenneth palabas dun sa buffet area.

The guy who stole my heart [EDITING]Where stories live. Discover now