Chapter 46 - Protector -

11.7K 380 92
                                    

Sapphire's Pov

Nagising ako dahil sa bumuhos na tubig sa mukha ko. Napaubo ako dahil sa pagkabigla.

"Tama na ang tulog!"

Napasinghap ako dahil may humawak sa baba ko at marahas iniangat ang mukha ko. Nakita ko ang isang pangit na lalaki na masama ang tingin sa'kin.

Na'saan ako? Sino sila?

"Bata, hindi pu-pwedeng patulog-tulog ka lang! Kailangan mong manatiling gising! Mamamatay ka pa!"

"Hahahaha!" nangilid ang luha ko sa narinig ko. Mamamatay?

"Ano gagawin n'yo?! Anong ginawa n'yo sa'kin?!" sigaw ko. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero nakatali ako sa isang poste gamit ang lubid. Sobrang sikip nito at sumasakit ang kamay ko kapag sinusubukan ko itong igalaw.

"Aba, palaban! Gusto ko 'yan!" tumawa yung mga lalaki. Tatlo sila at pawang malalaki ang katawan. Medyo may katabaan silang lahat at para silang bouncer.

"Oy babae, alam mo ba kung ano 'yong mangyayari sa'yo, ha?!" sabi nung lalaking hinawakan ang mukha ko kanina. Napakagat labi lang ako at hindi ko mapigilan ang pangingiligid ng mga luha ko.

"P-parang awa n'yo na. P-pakawalan n'yo na po ako," garagal kong sabi. Muling tumawa yung mga lalaki at sinampal ako nung isa.

"Tanga! Ba't ka namin papakawalan? Edi kami ang pinatay ni boss?! Bobo nito!" sigaw n'ya sa'kin. Napapikit ako ng maramdaman ko ang pagtalsik ng laway n'ya sa mukha ko. Shete. Kadiri.

"Hmmm..." kinalabutan ako ng maramdaman ko na inaamoy-amoy ako ng mga lalaki.

"PARANG AWA N'YO NA. ITIGIL N'YO 'YAN! HUWAG PO! HUWAG!" tuluyan na akong napaiyak ng simulan ng mga lalaki na halik-halikan ang leeg ko.

Humahagulgol na ako dahil sa pandidiri at takot na nararadaman ko. Naramdaman ko na may humahaplos sa binti at mukha ko.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak at pagsigaw, "MGA KUYA. TAMA NA PO. TAMA NA. NAGMAMAKAAWA PO AKO! TAMA NA PO!"

"Tol," rinig kong sabi nung lalaki.

"Wala namang sinabi si Boss na hindi s'ya pwedeng galawin diba? Ano, pakinabangan na natin! Maganda e. Makinis! Ano tol?"

"Sige ba!"

"Ayos 'yan!"

Mas lalo akong napaiyak ng ilapit nung isa yung mukha n'ya sa mukha ko. Akmang hahalikan ako. Wala na akong nagawa at napapikit nalang.

"G*go kayo! T**g*na n'yo! Bitawan n'yo s'ya!" nagulat ako ng bigla may kumalabog at may parang nagsusuntukan na.

Napaawang ang bibig ko ng makita ko kung sino 'yung nakikipagsuntukan sa mga lalaki.

"Tama na! Itigil n'yo 'yan!" sigaw ko. "Parang awa n'yo na! Itigil n'yo 'yan! H'wag n'yo siyang saktan! Tama na please!"

Mas lalo akong napaiyak ng bigla siyang tumilapon malapit sa'kin. Tinignan ko yung tatlong lalaking muntik na akong pagsamantalahan kanina. May dugo sila sa labi pero walang-wala naman yung lagay niya kumpara sa kanila.

"Itali n'yo 'yang hayop na 'yan!" galit na galit na sigaw nung isang lalaki. Agad naman nila siyang tinali sa posteng malapit sa kinalalagyan ko.

Nagulat ako ng biglang naglabas ng baril yung lalaking nagmumukhang lider nila. Kinabahan ako ng itutok n'ya sa'kin yung baril.

"A-anong..."

"Huwag!"

Nanginig ako ng iputok n'ya sa direksyon ko yung baril. Katapusan ko na.

Napapikit nalang ako at hinintay yung bala na tatama sa katawan ko.

Innocent meets  Leader [TO BE REVISED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat