Epilogue

14.5K 408 122
                                    

Bago ko simulan ang epilogue, may gusto lamang akong sabihin...

Wala pong forever!

Kiefer's point of view

Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. Hinayaan ko na lang 'to at nanatili akong nakahiga sa kama ng condo unit ko.

Pero ilang minuto pa ay nagvibrate ulit 'to kaya iritado kong kinuha ang phone ko sa table na katabi ng kama ko. Kung sino man 'tong istorbong 'to, malilintikan sa'kin.

Gwapong Steve Calling....

Wtf.

"What the hell is your problem?!"
[Whoa! Chill dude! May gusto lang akong tanungin! Easy ka lang!]

"Ga'no ba kaimportante 'yan para gisingin ako ng ganito kaaga?!"

[Maaga pa pala ang 1pm? Don't tell me tulog ka pa nung tinawagan kita?]

"Is that your question?"

[Ha? Oo ay este Hindi!]

Bumangon ako ng kama habang hawak-hawak ko parin ang phone ko. Nakita kong nasa 1pm narin pala.

"Steve Francisco.." nagbabanta kong sagot.

[A-ahh..'Takte 'yan, Steve! Ang bakla mong sumagot! —] napailing nalang ako ng marinig ko sa background ang boses ni Renz. Tss.

[Wow ha? E, kung ikaw kaya dito?!]

"May sasabihin ka ba o wala? Ibababa ko na 'to kung wala" singit ko sa kanila. Bagong gising lang ako at aasarin na naman ako ng dalawang unggoy na 'yon. Palayasin ko sila sa grupo e.

[Oh chill dude! Si Renz kasi e! Nagseselos atang kausap kita.'Wow. Kapal mo, Steve! Ang gwapo ko naman masyado para pagselosan ko kayo!' Langya, Renz! Shut up ka nalang, pwede?!]

"You two. Get a life." ayun nalang ang sinabi ko bago ko binaba ang tawag. Hindi ko alam ang gagawin ko sa dalawang 'yun oras na makita ko sila. Walang magawa sa buhay.

Naghubad ako ng shirt ko saka sinampay ang bath towel sa balikat ko. Balak kong maligo para mawala ang antok na nararamdaman ko. Lagi akong kulang sa tulog dahil narin sa trabaho ko.

Gwapong Steve Calling...

Inis kong sinagot ang tawag. Sisigawan ko na sana nang maunahan lang ako.

[Yow!]

"F-ck you, Steve Francisco! Ano bang problema mo?!"

[Jaze, sorry na. E, pinapatanong kasi nung girlfriend ni Charles na si Tin kung pupunta ka pa sa burol niya.]

Natigilan ako. Tinignan ko ang sarili kong reflection sa malaking salamin na nasa tapat ko bago sumagot.

"No."

[Ha? Sigurado—]

"Hindi ko kaya, Steve." binaba ko na agad ang tawag saka binato ang phone sa kama. Tinignan ko lang ulit 'to bago tuluyang pumasok sa banyo.

Agad kong binuksan ang shower at pinakiramdaman ang tubig sa katawan ko. Napatukod ako sa dingding habang nakayuko at pinagmamasdan ang pagtulo ng tubig mula sa katawan ko.

Tama. Hindi ko kaya. Hindi ko pa kaya. Ayokong makita siya.

Agad din naman akong natapos at nagbihis narin ako. Binuksan ko ang drawer na nasa tabi lang ng kama ko para kunin sana ang isang maliit na box

Kinuha ko ang isang maliit na pulang box na naglalaman ng isang singsing. Napangiti ako saka ito ibinulsa.

Nag-ayos lang ako saglit saka binuksan ang pinto nang may sumalubong sa'kin.

Innocent meets  Leader [TO BE REVISED]Where stories live. Discover now