41

593 59 3
                                    

• vernon's point of view

" Alessia! " sigaw ko pagkarating ko sa rooftop. Naabutan ko siyang nakahiga at nakatingin sa may langit. Napatayo siya bigla kasi nagulat siguro. " Kingina, Vernon, papatayin mo ba 'ko?! "

" Sa pagmamahal? Oo. " Banat ko, " Layas. " sabi niya at humiga ulit. Ngumisi ako at dahan-dahan na tumabi sakanya. " Sabi ko layas ah. "

" Kanina gusto mo kong pumunta dito, tas ngayon pinapaalis mo ko? Ano ba talaga? " tanong ko sabay tingin sakanya. Tinignan niya rin ako at nakakunot yung noo niya. " Oy, lumayo ka nga ng kaunti. Ang lapit mo eh. "

" Ayaw mo ba? " tanong ko sabay ngiti. Hinampas niya ko bigla at bumalik sa pagsa-sky gazing. Teka ano raw? Basta. Alam niyo na yung ibig kong sabihin. " Okay lang ba, Alessia? " tanong ko.

" Nandito ka na eh. " Bulong niya, pero narinig ko parin. Kunwari di ko narinig. Jusko, pakipot pa talaga to eh. " Ano? "

" Sabi ko 'oo'. Bingi. " sabi niya at sinamaan ako ng tingin. Tumawa na lang ako. Pakipot pa talaga si Alessia. Crush lang din pala ako nito. Ayaw pa umamin. Kinuha ko 'yung choco pie sa bulsa ko at tinapat sa mukha niya. " Ano 'yan? " tanong niya.

" Pagkain. Ano sa tingin mo? " tanong ko, inirapan niya lang ako tas kinuha na 'yung choco pie. " Wala na bang ibang ginawa si Hazel? " Umiling siya.

" Lagi ka ng tatabi sa'kin para di ka niya sasaktan. " sabi ko, tinignan niya ko habang naka-kunot yung noo niya. " Bakit ba ang cheesy mo? "

" Ayaw mo ba? " tanong ko, umiling siya. " Okay lang. Hahahaha. Bumalik ka na nga, baka hanapin ka pa. " sabi niya sabay tayo at tulak sakin. Tinignan ko lang siya. " At ikaw? " tanong ko.

" Ayoko. Alis na. Bye. " sabi niya at pilit na tinutulak ako paalis kaso di niya ko matulak. " Tibay ah. Alis na Vernon! Mal-late ka na. " sabi niya.

" Di ako babalik kapag wala ka. " sabi ko sabay hawak sa kamay niya. Binawi niya rin yun agad. Sus, kinilig. " Ano ba- "

" Tara na nga. " sabi ko sabay hawak ulit sa kamay niya at hinila na paalis. Tinignan ko siya at medyo lumaki yung mata niya at namumula siya. Cute naman. " Ba't namumula ka? "

" Tangina, " bulong niya, " B-bitawan mo na ko. " sabi niya. Tinignan ko lang siya saglit at nag-pout. Bumelat ako at hinawakan lalo yung kamay niya. Hinila ko na siya papunta sa classroom niya. Nakatingin sa'kin si Aleisia. " Hoy, Vernon. "

" Ishang, bantayan mo nga. Wag mo hahayaang lumabas ng classroom. " sabi ko at pinaupo si Alessia. Tahimik niya lang akong tinignan. " Bwisit. Alis na Vernon. " sabi niya sabay pilit na tinutulak ako paalis.

Lumabas na 'ko, tinignan ko siya at nakatingin siya sakin ng masama. Kinindatan ko siya bago ako bumalik sa classroom ko. Hahahahaha. Cute ni Alessia. May crush na sa'kin yon.

Wrong User! » c.vnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon