Hugot Serye 2 ( tindahan )

231 7 4
                                    

>>Sa tindahan<<

aling Marites' P.O.V

~Playing Flappy bird~

*ting*







*ting*







*ting*






*bogsh*




Hayyyst! Ano ba yan 3 lang yung score ko konti nalang
maabutan ko na ang high score kong 5.......



Tok tok tok!



"Aling Marites?!"



"Andyan na!" Bahala na nga mamaya ko nalang to ipagpatuloy....


"Pabili po ng conditioner" si jenny pala


"Oh anong klaseng conditioner iha?"


"Yun pong sobrang madulas para mafall naman siya sa akin" tapos nag walk-out.. ako eto nga-nga, ano bang pinagsasabi ng batang iyon? Bibili daw tapos aalis? Hayy ewan ko......

"Aling Marites"


"Ay!Ewan Ko!" ito talagang batang to nagulat ako bigla nalang sumusulpot. Bakit nanaman siya bumalik?


"Oh Jenny ba't ka....... hindi ko natuloy yung sinabi ko kasi paglingon ko hindi pala si Jenny.. hindi ko kilala yang batang yan.

"Ay akala ko si Jenny pasensya ka na iha"

"Pasensya? Yan nalang parati naririnig ko sa kanya, puro siya humihingi ng pasensya at sasabihing hindi na uulitin pero ano! Inubos niya pasensya ko!" hayun
katulad ni Jenny nag walk-out rin --__--

ano bang problema nila? Akala ko tindahan to ba't naging lungga ni madam bertud pag may pumunta dito imbis na bumili ayun naghuhugot. Hayy makapahinga na nga ang bata kong mukha baka magkawrinkles pa ako sa kakaisip sa mga batang yun..


~maya-maya~


Tok tok tok!



"Ale pabili po!" Ayan nanaman may bumili sana hindi katulad nila Jenny....

"Ano yun iho?"


" pabili ng softdrinks ilagay lang po sa cellophane"

...............


"ito na iho oh"


"salamat po, ito po yung bayad oh"

*tanggap sa bayad*

aalis na sana siya.......

"Iho sukli mo nakalimutan mo" salamat naman at may matino akong kostumer..

"Nakalimutan? kapag mahal ka hindi ka nalang basta-basta dapat kalimutan,pagkatapos ng ginawa kong pagsusuyo at pagpapasaya sa kanya araw-araw ganun lang kadali sa kanya ang kalimutan ako Ang sakit lang na kalimutan ka ng babaeng mahal mo" walk out nanaman

Binabawi ko na ang sinabi ko kanina --__--

" Kung nandyan man ang kaluluwa mo madam bertud nakikiusap ako na umalis ka dito sa tindahan ko" sabi ko sa paligid(A/: ale para kayong timang pfft) tumahimik ka! (A/:sabi ko nga)

hayy ano ba ang nangyayari sa mga kabataan ngayon?! Puro lablayp Bakit di aral ang asikasuhin nila!? (A/: bakit, nung kabataan kayo wala kayong lablayp,? Hek hek hek)
Hoy wag kang mangialam!(A/: hokey)

Umupo nalang ako dito sa labas ng tindahan kasi presko ang hangin,

"Hi po aleng Marites" ihahanda ko na sarili ko --__--

"Bakit bibili ka rin ba!?" pasigaw kong sabi baka kasi katulad nanaman yan nilang tatlo!

"Ay galit?"

"Kung maghuhugot ka rin man lang kagaya nung ibang kabataan, umalis ka nalang!" pataboy ko

"Porket ginawa na ng isa gagawin rin ng lahat? Ganyan na ba ang tingin sa niya sa akin? Yan siya eh sabi niya sa akin baka lokohin ko lang daw siya kagaya nung ex niya, ang saklap lang na nadamay kaming matitino sa ginagawang kalokohan ng iba! edi siya na matino!" Hayy napuno na talaga ako!!!!...

Aalis na sana siya nang biglang..

"oh sige! Mag walk-out ka! Lagi naman akong iniiwan eh, okay lang sanay na akong mag-isa! Ano bang pagkukulang ko sa kanya at iniwan nalang ako bast-basta?!" Wala na nasapian na ako ni madam bertuD--__--"

____________________________________________
====================================

Ayan hindi kinaya ni Aling Marites ! Nakahugot rin siya hahaha!

krishelle_miss

Hugot SeryeWhere stories live. Discover now