Teacher: Class. In the statement 6x•2y=168 What is the value of x when y=7?
Walang sumagot
Teacher: tsk tsk. Okay Joseph! Stannaap! What is the value of x?
Joseph: value of x? Pumasok lang naman siya sa buhay natin hindi para saktan tayo kundi para matuto…
Teacher: ano?! Tsk tsk. Alberto! Tayo!
Alberto: Tayo? Paulit-ulit ko nang tinanong sa yo kung ano ba tayo, pero ano?! Ang sagot mo walang tayo!?
Teacher: Tayo' ang sinabi ko! Hindi Ta'yo!? Bingi ka ba?!
Sally: Bingi? Baka nga bingi siya, kasi sa tuwing sasabihan ko siya ng I Love You wala akobg natatanggap na sagot mula sa kanya!
Teacher: Magsitahimik kayo! Nababaliw na ba kayo?! Ha?! Puro hugot!
Leah: Sinong hindi mababaliw sa kakaisip kung bakit niya ako iniwan? Ha?! Sino!?
Teacher: Dudukutin ko yang mga bibig niyo oh ano?
Leah: Dukutin niyo na ang lahat wag lang ang puso ko kung hindi mo naman ito kayang alagaan...
Teacher: Leche! Hindi ba kayo nagsasawa! Kasi ako? Pagod na pagod na ako sa kaka-asa ngunit humantong lang sa wala………
Walkout
Class: yehey! Walang teacher! Woooohh!
BINABASA MO ANG
Hugot Serye
RandomHalika at basahin ang mga hugot ng bawat isa, matatawa ka, makakarelate, at matutuwa ka. Iba't ibang scenario ang mababasa at iba't-ibang hugot ng mga tao.