The Halloween Festival

9.3K 189 34
                                    

Dedicated kay rhia_2718 na ayaw mag-comment as in ayaw nya talaga, hehehehe! (>_O)


Dollar's POV


Teka! Tama ba ang lugar na napuntahan ko? Bakit sinibulan ng perya ang University namin?

Hanep! Dalawang araw lang akong hindi pumasok dahil natuloy sa lagnat ang sakit ng ulo ko pagkatapos akong ihatid ni Rion. Yup, sa sobrang kilig ko na nag-dinner kami ni Rion ay nilagnat ako, bwahaha!  

Pero bakit nag-transform na agad ang school na 'to. Kung hindi ko nakita ang mga kaklase ko ay iisipin kong naliligaw ako. Mga naka-halloween costume ang mga schoolmates ko. Ang daming booth na pang-halloween ang theme. October 28 nga pala ngayon at ilang araw na lang ay November na.

Naglakad-lakad ako sa mataong quadrangle ng school. Kung ganoon wala palang klase? At ito ang bunga ng meeting noong isang isang araw? At kabukod-tangi akong naka-school uniform? Kaya pala pinalagpas ako ng guard kahit hindi ko suot ang vest ko.

"Bulaga!"

Hmp! Inirapan ko lang ang lalakeng nanggulat sa 'kin. Sinong matatakot sa trying-hard-vampire costume mo sa tapat ng tanghali!

Hay! Mas gusto ko pang umuwi! Kasi nga hindi ako masyadong mahilig sa mga activity ng school. Pero malapit na 'ko sa gate nang may makita akong pamilyar na mukha.

"Shawarma!"

Nilapitan ko siya sa booth kung saan naka-pwesto ang mga SSC officers na siyang organizers ng activity na 'to. Hmn, hindi ko alam ang character na ginagaya niya. Nakasuot siya ng white dress na may mga stain ng dugo at ang accessory nya sa buhok ay kunwaring kutsilyo.

Bwahaha! Less effort siyang mag-project dahil natural ng seryoso ang mukha niya.  Katawkot!

"Shawarma! Ganda ng outfit mo ah! Sinong groom ang umindyan sa 'yo?" biro ko sa kanya at naki-upo ako sa tabi niya.

Syempre, hindi talaga si Shawarma ang pakay ko. Pangalawa lang na gusto ko syang kulitin, ang unang dahilan? Clue: U.P. ang initials niya. Hehehe!

"Ikaw sinong character ang ginagaya mo?" she asked but she doesn't look interested.

"Ahm, wala. I'm a lost soul, hindi ko kasi alam na may ganito pala. Uy, penge ha." Nakikuha ako ng mineral water na para sa mga officers. Kanina pa 'ko lumilinga pero hindi ko pa din makita si Rion.

"Ano bang meron ha, Shaw?"

"Baka birthday mo!"

"Sus, ikaw talaga, lage ka na lang nag-jo-joke, hahaha!"

"Huwag ka ditong manggulo, Viscos, bakit hindi ka sumali doon sa mga taong nagfa-fire dance?"

" 'Yoko. Baka magalit si Unsmiling Prince, it's not good for me daw, 'yoko siyang bigyan ng sakit ng ulo, baka hindi na matuloy ang panliligaw niya sa 'kin."

"Tss! What a spirit! Hindi dahil nag-dinner kayo ay nililigawan ka na niya. So naïve," she rolled her eyes.

"Ikaw talaga, di na mabiro. Pero nafi-feel ko na doon din naman ang punta niya, naliligaw pa lang siya ng landas. Pero teka, bakit mo alam na nag-dinner kami kagabi? Sabi ko na nga ba, bodyguard ka niya."

"I saw you two. At pwede ba na umalis ka na dito, I'm doing something important!"

"Mamaya na, bespren. Papag-meryendahin mo muna 'ko."

"Here."

Inabot niya sa'kin ang box ng pizza at  coke in can na para sa mga officers. May tinatago talaga siyang kabaitan sa katawan.

RION (Complete)Where stories live. Discover now