"Kung Kailan"

123 6 7
                                    


Kung kailan handa na akong harapin ka,

'Tsaka ka tumalikod..

Kung kailan ako nasanay sa 'yong pagpapatawa,

'Tsaka ka naman napagod..






No'ng handa na akong lumapit,

'Tsaka ka lumayo..

No'ng umupo ako sa tabi mo,

'Tsaka ka naman tumayo..





Kung kailan nagising ako sa katotohanan,

Doon ka naman yata walang namalayan..

Kung kailan ikaw ay pinapahalagahan ko na,

Doon mo naman ako binalewala..





Mahalaga ka sa akin,

'Yon sana ang gusto kong ipaalam..

Kaya lang umiwas ka nang 'di man lang nagpapaalam..

Bakit ba ganyan ka?

Mahal na nga kita, 'di ba?





Kaya lang..siya naman na ang mahal mo..

Buhay nga naman o!

Kung kailan mahal na kita,

'Tsaka ka naman nagmahal ng iba....

_______________________

AUTHOR'S NOTE:

Hi readers. Kung meron man. Hahah..isang gabing wala akong magawa..kaya lahat ng poems na gawa ko mula high school ay naisipan kong i-compile dito.

Makata ang lola niyo! Hahaha..

More on love story ang mga poems ko..

Broken stories...

Comment sa mga makakarelate..please. :)

Love you guys. ;)

Heart Notes...Donde viven las historias. Descúbrelo ahora