Chapter 4. Ang Patibong

7.7K 323 22
                                    

                              Habang binabagtas ng bus ang daan patungo sa San Jose ay hindi maiwasan ni Benjamin na isipin ang pinapagawa sa kanya ng mahiwagang lalaki. Ilang beses na rin niya ginawa ito ngunit hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya kung para saan at ano ang dahilan ng pinapagawa sa kanya.

Nakilala niya ang lalaki sa terminal ng minsang lapitan siya nito at nakiusap na kung maaari ay idaan ang bus sa Igbanglo.  Sinabi niyang hindi na dumadaan ang mga bus sa Igbanglo ngunit hindi siya tinigilan ng lalaki hanggat hindi siya pumapayag.Pinayuhan niya itong mag-arkila na lang ng ibang sasakyan kung gusto talaga magpahatid ngunit hindi sinunod ng lalaki. Nataon naman na biglang nasira ang bus at ayaw ng umandar. Pinababa ang mga pasahero at pinalipat sa ibang bus. Napansin ni Benjamin na hindi bumaba ang lalaki kaya sinabihan niyang hindi na makakaalis ang bus dahil sira ito. Sinabi ng lalaki na kaya niyang paandarin ang bus basta ihahatid siya ni Benjamin sa Igbanglo.Handa daw ito magbayad ng malaking halaga. May iniabot itong maliit na supot kay Benjamin at laking gulat niya ng makitang mga maliliit na piraso ng ginto ang laman nito.

 Nang sinubukan ni Benjamin na paandarin ang bus, nagulat siya ng biglang umandar ito. Itinawag niya sa may-ari ang nangyari at sinabi niyang iuuwi na lang niya ang bus upang masuri ito ng mga mekaniko. Pumayag naman ang may-ari kaya inilabas agad ni Benjamin ang bus sa terminal. kumuha siya ng isang piraso ng ginto at isinanla ito sa isang pawn shop. Binigyan niya ng pera ang konduktor upang huwag na itong sumama sa kanya sa pag-uwi.

Sa kanyang pag-uwi ay sa daan papuntang Igbanglo niya idinaan ang bus . Hindi niya alam kung bakit sa kanya napili ng lalaki magpahatid kaya kinakabahan siya habang tumatakbo ang bus lalo pa at sa likurang bahagi naupo ang lalaki kaya parang wala din siyang kasama.

Pagdating sa Igbanglo ay pinahinto ng lalaki ang bus. Bago ito bumaba ay sinabihan nito si Benjamin na kapag doon niya idinaan ang bus kasama ang mga pasahero nito ay bibigyan pa siya uli ng karagdagang ginto. Sinabi niyang hindi siya papayagan ng may-ari at kapag may nangyari sa mga pasahero ay sagutin niya ito. Ang isa pa ay baka ireklamo siya ng mga pasahero sa management kapag sa Igbanglo niya idinaan palagi ang bus.

Tiniyak ng lalaki na walang mangyayari sa mga pasahero at hindi magrereklamo ang mga ito. Hindi din daw palagian ang pagdaan niya dito dahil ang lalaki ang magsasabi sa kanya kung kailan dapat idaan ang bus dito sa Igbanglo. Kapag nagawa niya ang ipinapagawa nito sa kanya ay hindi lang ginto ang ibibigay nito sa kanya kundi pati din mga mamahaling bato.

Dalawang bagay lang ang ipinapagawa ng lalaki sa kanya.

Una, ihinto ang bus sa isang lugar sa Igbanglo.

Pangalawa, pababain ang mga pasahero.

Pagkaraan ng isang oras, paakyatin muli ang mga pasahero at ituloy na ang biyahe pag-uwi.

Nagtataka man sa ipinapagawa sa kanya, sinunod niya ito ng sumunod niyang biyahe. Katwiran niya,kapag may nagreklamo at tinanggal siya sa trabaho, may pera naman siyang makukuha kapag ibinenta niya ang mga ginto. Kinuntsaba niya ang kanyang konduktor upang hindi ito magsumbong. Noong una ay tumanggi ito ngunit ng bigyan niya ito ng halaga na katumbas ng isang linggong suweldo ay pumayag na ito. 

Noong ginawa nila iyon sa unang pagkakataon ay abot-abot ang kaba ni Benjamin. Iniisip niya ay baka magkaroon ng kidnapping sa isa sa mga pasahero o kaya ay kuhanin ang bus niya. Hindi naganap ang kanyang pinangangambahan. Walang nangyari sa kanyang mga pasahero. Kumpleto ang mga ito na nakauwi sa San Jose. Ang lalo pa niyang ikinatuwa ay ni isang reklamo ay walang natanggap ang kanilang opisina sa pagdaan niya sa Igbanglo. Tila nakalimutan ng mga pasahero ang ginawa niyang pag-iba ng daanan.

Naulit pa ng ilang beses ang pagdaan niya sa Igbanglo tuwing sasabihin ito ng mahiwagang lalaki sa kanya. Sa tuwing ginagawa niya ito, pinapabilang niya sa kanyang konduktor ang mga pasaherong bumababa at pinapabilang niya uli pag-akyat ng mga ito pabalik sa bus. Laging kumpleto ang mga pasahero kaya nawala na ang kanyang kaba. Bawat biyahe niya ay inaabangan na  niya na magpakita uli ang lalaki upang madagdagan pa ang kanyang naitabing kayamanan.

Si Joshua Lagalag at ang mga Ugrit ng Igbanglo   (BOOK IV)Where stories live. Discover now