Chapter 10. Si Baskug

7.2K 310 13
                                    

                                             Matagal ng nakaalis si Namaki ngunit hindi pa rin maalis sa isipan ni Queenie ang nakitang kalahi.

Sila lang ni Diana ang nakatalaga bilang Tagamasid sa lugar na iyon at wala ng iba.

Isa sa mga puno sa paaralan na iyon ay daanan ng mga engkantado patungo dito sa mundo ng mga tao ngunit nasa kabilang bahagi iyon ng paaralan.

Kung dumaan lamang iyon, dapat ay hindi siya mapupunta sa bahaging ito. Sigurado siyang may ibang pakay ang  Aves na iyon lalo pa at nakita niyang nanggaling ito sa canteen.

Kailangan niyang sabihin ang kanyang nakita sa kanyang ama. Sigurado  siyang kilala nito ang Aves na nakita niya.

Bilang isang Tagamasid, tungkulin nilang bantayan at iulat sa pamunuan ang kanilang nakikita sa mundo ng ng mga tao ang mga bagay na may kinalaman sa kalikasan na makakaapekto sa kanila. Hindi lang ang mga tao ang kanilang binabantayan, pati na rin ang ibang engkantado na maaaring makapanakit o manggulo gaya ng mga Sabadan.

Pumasok si Queenie sa loob ng canteen at agad niyang naramdaman ang kapangyarihan ni Diana sa loob. 

" Si Danara talaga!  Ano na naman kaya ang ginawa nun dito?"

Umupo siya sa isa sa mga upuan at inobserbahan ang paligid. Maliban sa kapangyarihan na ginamit ni Diana, wala na siyang makitang ibang dahilan kung bakit may nagpuntang Aves sa kanillang paaralan. Sigurado siyang hindi ito galing sa kanyang ama dahil naroon na sila ni Danara at hindi na kailangang mag-utos pa nito sa iba kapag may ipapagawa sa lugar na iyon.

Maaari ding napadaan lang ang Aves at naramdaman nito ang kapangyarihan ni Danara kaya naisipan nitong puntahan ang pinanggalingan nito.

Ganunpaman, kailangang malaman pa rin ng kanyang ama ang pangyayari.

Lalabas na sana si Queenie sa canteen ng may mamataan siyang isang pamilyar na mukha na kasama ng ilang estudyante na papasok din sa canteen.

Si Leslie, ang bunsong kapatid ni Joshua.

" Hi Les," bati ni Queenie sa dalagita.

" Hello Ate, ba't nandito ka? Hindi ka ba sumama kina Kuya Josh?"

" May mga gagawin kasi kami ni Diana kaya hindi kami sumama." sagot ni Queenie. 

" May number ka ba ni Luigi?" tanong ni Leslie. " Hindi ko kasi  makontak sina Kuya Josh."

" Wala e," sagot ni Queenie. " Bakit, hindi ba sila makontak?"

" Hindi e. Sabi niya kasi, may signal daw kina Luigi kaya puwede silang kontakin kahit naroon na sila. Tinawagan ko kanina, hihingin ko sana password sa tablet niya. Nag ring lang pero walang  sumasagot. Sinubukan ko uli , hindi na makontak."

" Si Angelo, natawagan mo ba?"

" Tinawagan ko rin. Hindi rin makontak. Baka nasa bundok sila. Hindi naman yata bayan yung kina Luigi. Alam mo naman yun, puro yabang. Baka yung sinasabi niyang bayan, bundok pala kaya walang signal."

" Sige, kapag may nakuha akong number ni Luigi, sabihin ko sa 'yo," sagot ni Queenie.

" Sige , salamat Ate.  Kain muna kami . " sagot ni Leslie at umalis na upang sumunod sa mga kaklase.

Paglabas ni Queenie sa canteen ay nakita nito si Diana.

" Danara, may kakilala ka bang may number ni Luigi?"

Hindi inaasahan ni  Diana ang tanong na iyon ni Queenie.

" Bakit, gumagamit ka na rin ng makabagong aparato ng mga tao, Pitta ?"

Si Joshua Lagalag at ang mga Ugrit ng Igbanglo   (BOOK IV)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن