Twenty Six

51 1 3
                                    

Bamhi’s Point of View

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. At biglang may nagsalita at alam ko na agad na si Robin, boses pa lang.

“Hi guys! Sorry I’m late. May dinilever lang ako sa gf ko.” sabi niya na maganda ang aura niya. For sure may magandang nangyari sa lalaking ito. “saan na si Jae?” tanong niya agad na hindi ko na binigyang pansin.

“nagdeliver lang ba? Baka may ginawa na kayo kababalaghan kasi you know last day na ngayon at magchrichristmas vacation na.” pang aasar ko sa kanya habang nakadekwatro sa sofa.

Bigla siyang namula at mukhang pinipigilan ang kilig.

“so may nanngyari nga?” laking mata na tanong ko.

“wala ah. Isasama ko siya sa vacation ng pamilya ko” sagot niya sabay upo sa tabi ko.

“woooow iba ka talaga bro.” nag slow clap ako para sa sweet kong tropa.

“sweet mo rin pala. Ikaw Bamhi? Anuna balita sa jowa life mo?” biglang lumitaw si Jae galing sa CR kaya napalingon kaming dalawa sa direction ni Jae.

“walang ganun sa buhay ko. Lumayas kasi yung taong gusto ko at hindi ko mahagilap kung nasaan na siya ngayon. Hays” sabi ko naman agad. Haays nasaang lumalop na kaya yun?

“condolence bro.” sabay sinabi ni Jae at Robin. Mga hayup kayo!

“so, tinipon ko kayo rito para magpatulong sa gagawing surprise kay Cathy.” panimula ni Jae tapis umupo sa harapan namin.

Hays. Maaawa ka na lang dito kay Jae eh. Alam naman naming lahat na may gusto si Ethan kay Cathy at halata namang may gusto rin si Cathy na mahaba ang hair. Hindi kagandahan pero pinag-aagawan.

“May napanood kasi akong isang teleserye ata yun. Nung may inaasikaso ako sa guidance office. Bigla kasing lumabas sa screen yung teleserye tapos sakto about sa pagsusurprise ni guy kay girl. Ang sweet ng scene kaya naisipan kong gayahin.” pagkwekwento niya na naka lean sa sofa at nakasampay yung dalawang magkabilang braso sa sandalan.

“so yung setting place is sa rooftop ng school building at gaganapin mga 6pm mga after ng classroom party natin. Para maganda yung view sa itaas. So kailangan kidnapin niyo si Cathy bago mag 6pm okay?” naglean forward na siya samin at nakapatong yung dalawang siko niya sa magkabilang tuhod na medyo nakabukaka pa siya at magkahawak yung kanan at kaliwa niyang kamay.

“Syempre hindi yung pwersahan. Basta iconvince niyo na sumama sainyo papuntang rooftop at bago niyo buksan yung pinto papuntang rooftop, takpan niyo na mata niya. Piringan niyo okay?” tumango tango na lang ako samatalang si Robin, nang tingnan ko, lumilipad ata isipan neto at hindi na lang ata inintindi ni Jae o sadyang hindi niya pa pansin.

“Bamhi, ikaw i-aassign ko sa mga balloons. Palobohin mo yung mga balloons na nabili ko nasa kwarto ko. Ako na bahala sa taga kanta ng romantic music at mga kakainin at table. Tapos ikaw Robin, ikaw bahala sa mga candles na ipapalibot natin dun sa place. At sindihan mo na lang yung mga yun pag malapit na sila.” pag uutos niya samin.

“gets mo ba Robin? Hoy Robin!” sabi ni Jae na mukhang napansin na hindi siya nakikinig at inalog alog siya.

“ha?” tugon ni Robin. Beym! Halatang lutang!.

“gets mo ba yung plano?” pag uulit ni Jae.

“yes yes yes haha” sagot na lang niya at hindi convincable.

Naunang umalis sa room namin si Robin. Samantalang ako, inabot sakin ni Jae yung mga papalobohin kong lobo.

“Punta muna akong classroom para tumulong at magsupervised sa mga gagawin.” bilin niya sakin saka lumabas ng room namin.

I DOn't CARE! (on-going)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz