BAM MEETS BAM 13

125 8 0
                                    

Chapter 11

Bell's POV

Omo !! I can't believe it! I've been sleeping for a whole day?? Hindi na ako nakapasok sa school, and for sure, Kuya Wilson will scold me na naman. After I finished my morning rituals, I mean afternoon rituals, meron ba 'non?? Basta! Yung usually na ginagawa ko kapag nagigising ako. -________-
So, ayon nga, after kong gawin ang mga iyon, bumaba na ako sa kitchen para kumain. Naabutan ko doon si Mommy na nagbe-bake.

"Hi, Mom!" humalik pa ako sa pisngi niya.

"Oh? Bakit ngayon ka lang nagising?"

"Hmm.. M-masakit po ulo ko eh. But, I'm fine now." pumunta ako sa ref at naghalungkat ng pwede kong makain. Kumuha na lang ako ng gatas doon. Cereals na nga lang kakainin ko.

"Are you sure? Gusto mo ba, ikuha kita ng gamot?" itinigil naman niya yung ginagawa niya pero umiling agad ako. Hindi naman kasi talaga masakit ang ulo ko. Nagbawi lang talaga ako ng tulog.

"Okay na po ako. Where's Dad?"

"Office," tipid niyang sagot. "Tumawag nga pala ang Kuya mo. He wants you to attend your afternoon class pero himbing ma himbing ka sa pagtulog kaya hindi na kita ginising,"

"Tsk, for sure lagot ako 'don mamaya," nakanguso ko pang bulong.

"Akong bahala. I'll talk to him. Once or twice na pag-absent sa school is not bad, especially if masama naman ang pakiramdam mo. Alam mo ba, back in our days, we used to cut our classes just to do gangster things and we're just having fun," ngumiti siya sa akin. This is the first time na nag-share sa akin si Mommy about her gangster life.

"Mom, what pushed you to be, you know, gangster?" she paused for a moment before she answer me.

"Rebelion? Mahigpit kasi ang mga Lolo mo. And I think that pushed me. I found freedom, happiness and good people too,"

"That sounds fun! Will you allow me to be like you?" excited kong tanong.

"No," Agad niyang sagot. "Delikado."

"But you liked it,"

"Yes, I do. But, you're my daughter and ayokong malagay sa kapahamakan ang buhay mo. I've been there, and I know exactly what will happen,"

"Mom, I think sayo namana ni Bea ang pagiging Paranoid," natawa naman siya sa sinabi ko, I'm serious kaya

"And you got your father's humor, Bell." sasagot pa sana ako kaya lang biglang dumating sila Bea  at agad na yumakap sa akin ng mahigpit. Nagulat naman ako, because of two things, first, sa sobrang higpit ng yakap ng kakambal ko and second, magkasama sila ni Beasty.

"What happened??" worried na tanong ni Mommy.

"They attacked us," si Philip ang sumagot.

"WHAT?!" sabay naming tanong ni Mommy at agad siyang lumapit kay Bea.

"Are you hurt?" umiling si Bea.

"He left this," inabot ni Bea ang isang brown envelope kay Mommy. Binuksan naman iyon ni Mommy at kitang kita ko sa mukha ni Mommy ang pagkagulat.

"What's that, Mom?" tanong ko.

"Trash," sagot niya at agad ibinalik ang laman ng envelope sa loob.

"Let me see," inilahad ko ang kamay ko pero umiling lang siya sa akin.

"It's not important. You don't have to see this." inilayo pa sa akin ni Mommy yung envelope bago tumawag ng isang maid at doon na niya pinatapos yung ginagawa niyang cake. Pinapanhik na niya kami para makapag-pahinga na daw si Bea, naiwan si Justin dahil may pag-uusapan daw sila. Si Philip naman, nagpaalam na babalik sa school. Hindi na muna namin sinabi kay Kuya Wil dahil iyon ang utos ni Mommy.

BAM MEETS BAM (COMPLETED)Where stories live. Discover now