BAM MEETS BAM 33

100 6 0
                                    

BAM Meets BAM
Chapter 30

Bell's POV
"Bell, ano'ng plano mo?" tanong sa akin ni Kuya Wilson habang nasa biyahe papunta sa safe house kung saan namin ipinadala si Zenon. Kanina pa ako sobrang maba-bothered nang dahil sa nangyari kay Lenlen. She's too precious for my sister and seeing her situation causes my twin so much pain. Kaya kung kinakailangan ko'ng patayin si Zenon para makakuha lang ako ng impormasyon, gagawin ko. "Ano nang gagawin niyo?"

"I don't have any concrete plans for now, Kuya." sagot ko habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Sakto kasi na nasa tapat kami ng San Pedro High kung saan may ilang mga nagkakagulong tao.

"What's happening?" bulong ni kuya. Hindi ako sumagot, tanging nakakalokong ngiti lamang ang ibinigay ko sa kanya. "Fuck! Is that Hoshi?!" Gulat niyang tanong habang tinitignan ang nakasabit na bangkay ni Hoshi sa Main gate ng SP High.

"Serves her right, " bulong ko bago kuhanin ang aking cellphone.

"I can't believe Bea did this." I just shrugged my shoulder dahil ayokong oag-usapan ang tungkol kay Hoshi dahil baka bigla na lang ako'ng bumaba ng sasakyan at sunugin ang bangkay niya kahit maraming tao. Tss. "Saan ba talaga tayo pupunta?"

"'Wag ka namang mainip, Kuya." nakangiti ko'ng bulong. "Makakarating din tayo sa lugar kung saan tayo dapat mapunta."

"Do you think may makukuha tayong sagot kay Zenon?" seryoso niyang tanong sa akin kaya agad ko'ng binitiwan ang aking phone bago siya tignan nang diretso sa kanyang mga mata.

"Dapat lang." bulong ko. "Iyon na lang ang natitirang dahilan kung bakit pa siya nabubuhay."

"Bell, ayokong gumawa kayo ni Bea ng mga bagay na pwede niyong magsisihan." He released a deep sigh. "Mom and Dad is nowhere to be found, at kayo na lang ni Bea ang mayroon ako. You don't have to kill anyone."

"So what are you trying to suggest?" tinaasan ko pa siya ng kilay. "Anong gusto mo? Hayaan sila na unti-untiin tayo? Tama ka, wala tayong ideya kung nasaan sila Mommy. That's why we need to end this war they started."

"Worried lang ako para sa inyo. Have you seen Hoshi's body? I never thought Bea could do that!" pagpapaliwanang niya.

"Stop worrying, Kuya. We know kung ano ang ginagawa namin." matipid pa akong ngumiti sa kanya bago muling ituon ang aking pansin sa aking cellphone. The truth is, I'm also worried about what's gonna happen pero ayokong ipakita iyon sa ibang tao. Not now. Kailangan ko'ng ipakita na kaya ko at kontrolado ko ang mga nagyayari.

"We're here, masters." Ibinalik ko ang aking cellphone sa bulsa ng suot ko'ng jacket bago bumaba ng kotse. It's a good thing that Raul secured our assets ng mga panahon na nasa 'hide out' pa kami. This place is a typical townhouse. Sa unang tingin, iisipin mo'ng simpleng bahay bakasyunan lamang ito. Good thing that it won't look suspicious. "He's inside the basement. Few of our men is guarding him."

"Gising na ba?" I asked. Umiling naman si Raul bilang sagot. Tinignan ko ang aking suot na wrist watch. Five more minutes. "Sige. Hihintayin ko na'ng magising siya." kasywal ko'ng sagot habang pumapasok sa loob ng bahay.

"You go ahead, tatawagan ko muna si Philip para kumustahin sila." Tango na lang ang isinagot ko bago siya iwanan sa labas.

**

Saktong limang minuto nang bumaba ako sa basement para kausapin si Zenon. Siguro naman, gising na siya.

"Rise and shine, Zenon!" nakangisi ko'ng bungad sa kanya bagamat halata namang nahihilo pa ito nang dahil sa lason.

"D-damn y-you, B-barbie." pinaikutan ko siya ng mata. Mas Damn siya for callung me 'Barbie'. "N-nasaan ako?" hirap na hirap niyang tanong habang pinipilit na kumawala mula sa pagkakatali niya sa isang wooden chair.

BAM MEETS BAM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon