Catch 31

1.2K 64 45
                                    

G/N: Who wants dedication? Patapos na ang story na 'to! ^.^ sorry na! Haha.

~*~

Nadine's Pov
Hinawakan ko ang kamay ni Julia.

"Juls, pwede ba tayo magbonding? Please." sabi ko.

Tumango naman siya. Nagrequest kami kung pwede na siyang i-discharge dito sa hospital. Ayaw niya na din daw kasi dito. Kaming dalawa lang ang magb-bonding.

"Sa park tayo, ah?" sabi ko.

Tumango na lang ulit siya. Mahahalata mo sa kan'ya na nahihirapan na siya. Nung marating namin ang park, inalalayan ko siya paupo sa
bench.

"Gusto mo ng ice cream?" tanong ko.

Tumango na lang ulit siya.

"Saglit lang, ah? Bibili lang ako. Dito ka lang." sabi ko.

'Di siya umimik atsaka tumingin lang siya sa paligid. Pumunta ako sa bilihan ng ice cream.

"Dalawang ice cream, po." sabi ko.

Hindi kami makikilala ni Julia kasi naka-disguise kami.

"Anong flavor?" tanong ni Manong.

"Strawberry po." sabi ko.

Pagkatapos ko bumili ng ice cream ay binigay ko yung isa kay Julia.

"Julia? Pagod ka na ba? Nahihirapan ka na ba?" tanong ko.

Tumigil siya sa pagdila sa ice cream niya at tumingin sa akin.

"Ayokong mahirapan kayo nang dahil sa akin. Ayokong umiiyak kayo nang dahil sa akin at oo, pagod na ako. Malala na ang sakit ko, Nadine." sabi niya.

Pagkaubos namin ng ice cream ay natahimik na naman kami.

"Mamamatay na ako, Nadine." sabi niya.

Tinignan ko siya at hinawakan ko ang dalawa niyang kamay.

"Kung nahihirapan ka na, 'wag mo na tiisin. Just let go." sabi ko.

"Thank you, sis. I love you, sis." sabi ni Julia.

"I love you too, sis." sabi ko.

Huminga siya ng malalim, "Can I rest now? Ayokong makita kayong nahihirapan nang dahil sa akin, I need to rest now." sabi niya.

Tumulo yung luha ko, "Can I get atleast a hug?" tanong ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit, "Please take care of Papa, for me." sabi niya.

Tumango na lang ako. Humiwalay siya ng yakap sa akin at tumingin sa kalangitan.

"Makakasama ko ba si Alex sa langit? O mapupunta ako sa impyerno dahil sa mga ginawa ko sa inyo?" tanong niya.

"You changed, Julia. Makakasama mo si Alex, and I believed that. Do you want to rest now?" sabi ko.

Sinandal niya yung ulo niya sa kaliwang balikat ko.

"I'm going to sleep now, sis." sabi niya sabay pinikit niya na ang mga mata niya.

Maya-maya hindi ko na narinig ang paghinga niya, doon na bumuhos ang mga luha ko. Hinawakan ko yung ulo niya habang nagpapatuloy sa pag-iyak.

"Goodbye, Julia." sabi ko.

~*~

Naisipan namin na isabay na lang sa burol ni Alex si Julia. Sa ngayon, apat na ang nawala sa akin. Tatlong mahahalagang tao. Tatlo kong anak at ang aking kapatid. Minsan iniisip ko kung pinaparusahan ba ako ng Panginoon, eh. Wala naman akong maling nagawa, wala naman.

60DBWY 2: Catching Infinity (A JaDine Fan Fic)《completed》#Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon