UD 13

19 0 0
                                    

" let me introduce myself, I'm Troy Cedrick. Your DJ, classmate in Special Topics, neighbor, and your childhood friend."

"Paano?" Yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

"What do you mean?" Pagsabat ni Pace.

Hindi ako nakasagot kaagad. Hindi ko rin kasi alam kung totoo ba ang sinasabi nila o pinapagtripan lang nila ako.

"Pinagtritripan nyo ba ako?"seryoso kong tanong

Humagalpak naman ng tawa si Pace

"Of course not! Believe him." Pace

"How can I believe him kung sa una palang naming pagkikita, puro kasinungalingan kagad ang pinakita nya."

"Make sense. But you can trust my word. You can trust me."  Pace

"Isa ka pang gunggong ka. Ilang bes na natin sya nakikita nang magkasama tayo, di mo manlang sinabi sakin. Tell me now, how can I trust you" sagot ko naman na mejo mataas ang tono

"Uhm." Napahawak si Pace sa kanyang baba at tila nagiisip.

"Lumayo layo ka nga sakin. Mas lalo akong nabwibwisit sa pagmumukha mo. Matatadyakan kita e." Sinipa ko ng mahina ang upuan nya.

"Yes boss. Lalayo na po." Nakangising sagot nya at sabay umusog ng bahagya

" ehem." Nagsalita ulit si troy or si Ced or yung DJ. Kung sino man sya. "Actually,  it was a bet between me and Pace. Natalo ako sa pustahan kaya ayun, I became a nerd for a short period of time."

"E bakit hindi ka man lang nagpakilala kagad sa akin?"

"I tried. Although indirect,  pero parang di ka naman makaalala."

"Really? Kelan? Di ko matandaan."

"See? Maybe you didn't gave attention that much sa ginawa ko. Anyways. Kalimutan mo na 'yon."

"Maiba ako. Ano bang pinagpustahan nyo?" Tanong ko naman

"Well. Pinagpustahan namin yung isang bab--"

  Then Pace cut him off

"Wag mo nang alamin Mae. Usapang lalaki." I just rolled my eyes at him

Ibinalik ko ang atensyon ko dating kababata.

"So anong itatawag ko sayo ngayon?" Tanong ko

"Troy. Nasanay na ako na yun ang tawag sakin mula nung lumipat kami ng tinitirhan."

"Really. Oo nga pala no, kaya pala bigla kayo biglang hindi na nagpupunta ng bahay kasi lumipat na kayo. Siguro malayo masyado no?"

"Ah--oo. Ganon na nga" nakita kong nag iba ang ekspresyon ng kanya mukha.

"Anyways,  sorry kung mauuna na kami ah. Kailangan ko na kasing umuwi e. " hinila ko patayo si Pace

"Sa kanya ka na sumabay. Iisa lang naman building nyo e. Di ba pre?" Sabay tingin nya kay Troy

" dinala dala mo ako dito tapos di mo ko kaya iuwi?" Pagsusungit ko sa kanya

" di naman sa ganoon. Praktikal lang. Sayang gas ko oh."

"E lilinisin mo pa kaya yung kwarto ko"

"Ay oo nga pala. Sorry." Napakamot sya sa ulo

"Alis na kami Troy. Its really nice to see you again. Next time na lang tayo magkwentuhan." Inilahad ko ang kamay ko sa kanya para magpaalam.

Oo,  mejo pormal. Hindi pa rin kasi kampante ang loob ko sa kanya. Ang tagal namin hindi nagkita. Hindi ko alam kung paano ko sya patutunguhan.

"Yeah. Sure. See you around. " sagot naman ng binata.

My midnight DJWhere stories live. Discover now