CHAPTER 2 - How It Started

1K 55 36
                                    

#AMUniversity2

***

Sorry for the long wait.
- Aeysee

Dedicated to Kuya Allan, Ate Pia, and Nikki of OFCDabarkads. Hahaha hello!

***

Nicomaine's Point of View

Kasalukuyan akong naglalakad sa may hallway ng building papunta sa office of the DC. Pinalabas kasi ako ng prof ko dahil lang sa tumatawa ako. Napakababaw. Duh! Anong masama sa pagtawa?

Bwisit kasi na wall clock. Pinasaya ako ng todo. Hahaha natatawa pa din ako pag naaalala ko.

*Flashback*

Haaaaay. Wala na akong maisagot. Tinutuktok-tuktok ko pa sa ulo ko yung ballpen kong may yellow design.

Nagpa-quiz kasi itong si Mrs. Javier, prof ko sa Values. Nabigla naman kaming lahat pero wala kaming magawa. Nakakaiyak lang.

Oo nga pala 1st year college na ako. Wala lang sinabi ko lang sa inyo. At alam kong wala kayong pake! Hmp. Masanay na kayo, bigla na lang ako nagsasabi mg mga nonsense na bagay hahaha.

"And for the essay part, what's your definition of the word 'LOVE'?"

My jaw dropped. Really? Napaka-hopeless romantic naman ni Mrs. Javier. Ang mga 'what is love' na tanong ay sa slambook lang nararapat. Hahaha.

"Love is about sending happiness..." Naalala ko yung sinabi ko sa sarili ko.

'I'll show you the world of fun, happiness and enjoyment. Get ready, Mr. Faulkerson'

Nye. Paano ko kaya magagawa yun? At higit sa lahat, bakit ko nga ba gagawin yun?
Sa totoo lang, ewan ko. Gusto ko lang siguro na malaman niyang nag-eexist ang word na 'happiness'. I just feel like I want him to be happy.

'Love is about sending happiness'

Bakit ba nagpe-play sa utak ko yang sentence na yan? Abnormal na yata ako. Iniisip niyo siguro na 'love' na yun? Love agad? Magpapasaya lang ng tao, love agad? Grabe kayo sa'kin. Hindi love yun no! More like uhm...awa. Tama naaawa ako sa kanya. Mukhang pinagkaitan siya ng kasiyahan sa mundong ibabaw. Kawawang nilalang!

"Miss Mendoza. Are you done? Let me see your paper"

Di pa pala ako tapos. Ang daldal niyo kasi. Pinagkwento niyo pa ako. Mga lapastangan hahaha joke.

"Not yet done" Sabi ko sabay taas ng paa sa upuan. Yung tipong magkadikit na yung tuhod at dibdib mo. No offense sa mga walang dibdib hehehe peace. Wag dibdibin hahaha.

"Miss Mendoza, pakibaba ang paa mo sa upuan. Hindi yan gawain ng isang babae!"
E hindi naman ako babae. Okay joke. Pero nakakainis lang, hindi ba pwede maging komportable lang? Puro na lang bawal bawal bawal! I am not into pleasing everyone, y'know? Haaaaay nakakabadtrip.

Nagpatuloy na lang ako sa pagsusulat ng walang kamatayang essay. Sino ba kasing nagpauso ng essay-essay na yan? Kabadtrip naman.

Habang nagsusulat ako, napansin kong hindi ko suot ang wrist watch ko sa wrist. Natural sa wrist yun, wrist watch nga e. Alangan naman wall clock ang ilagay ko sa wrist ko, edi mukha akong tanga nun. Imagine, naglalakad ako sa mall tapos may suot akong wall clock. Parang gaga lang.

*Imagination*

"Uy ang ganda ng wall clock mo. Bagay na bagay sayo. Saan mo nabili yan?"

A.M. UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon