Chapter 23: Perfect Plan

88 3 0
                                    

Note: Rated SPG

Jessica's POV
Naglalakad kami ni Mia,
nang tumingin ulit siya sakin at ngumiti. Kanina pa 'yan. Parang may gustong
ipahiwatig yung ngiti niya eh.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya
nang huminto kami sa isang
amusement park.

"Alam mo, favorite ko 'tong
lugar na 'to." Bungad niya.

"Dito kasi kami unang nagkita." Tumango tango ako. Obvious naman na kung sinong tinutukoy niya.

"Ang ganda." Sabi ko na lang.

"Oo nga." Wait. Hindi si Mia
'tong kausap ko ah. Dahan dahan akong tumingin sa gilid ko. At nang makita ko kung sino yung katabi ko...

"Anong ginagawa mo dito?!"
Sigaw ko at napaatras pa.
My ghad! Bakit nandito si
Marlon...?

Tumayo siya at ako naman ay umatras.

"Please... Jessica, pag-usapan
naman natin yung panliligaw ko please...
please..." Tumayo ako at umatras.

"W-wala na tayong dapat pag-usapan." Sabi ko at umatras nanaman.

"So-sorry. Hindi ko sinasadyang sigawan ka."
Panimula niya. Umatras nanaman ako at ngayon ay nasa gitna na ako ng kalsada.

Lumapit siya sakin at lumuhod tapos hinawakan
niya yung kamay ko.

"Sorry... Sorry sa lahat.
Mapatawad mo sana ako."
Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Tumingin muna ako sa paligid dahil ramdam ko na may nakatingin samin.

Pero wala naman...

Maya maya pa ay nakarinig ako ng busina. Busina na parang nagpapahiwatig ng
panganib.

Tumingin ako sa gilid namin
at nakita ko ang papalapit na sasakyan.

"Marlon, mamaya na tayo mag-usap, mababangga na tayo!" Nag pa-panic kong sabi.

"Hindi tayo aalis hanggat hindi mo ako pinapatawad."
Sabi niya na ikina-inis ko.

Tumingin muli ako sa may gilid namin. Habang palapit ng palapit yung sasakyan, unti-unting nagiging pamilyar yung mukha nung driver.

Si Perla...

"Marlon, please... Mamaya na." Mangiyak ngiyak kong  sabi.

"Hindi tayo aalis hanggat hindi mo ako pinapatawad."
Sabi niya muli.

Napapikit na lang ako saka sumigaw. "Oo na! Pinapatawad na kita!" Sigaw ko. Naku, hindi pa ko handang mamatay. Marami pa akong pangarap sa buhay.

Teka... Parang ang tagal naman bago ako mamatay...

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko.

Hindi pa ko patay....

Perla's POV

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit pinagawa sakin ni Mia ang bagay na yun.

Naku. Sana mapatawad ako ni Jessica.

Bumaba ako sa sasakyan ko at sinilip ang lagay nila Jessica.

Kailangan kong makausap si
Mia.

Dialing...

[Hello?] Bungad niya sa kabilang linya.

"Ok na. Nagawa ko na."
Mahina pero nag pa-panic
kong sabi.

[Kamusata ang lagay nila Jessica?] Para siyang baliw.
Pagkatapos niyang ipasagasa sakin yung tao,
tatanungin niya kung anong lagay nila.

"Ok lang sila. Walang galos.
Kahit nga gasgas wala eh."
Sabi ko nalang.

My Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon