V

14K 281 5
                                    

ALEC

Sa wakas ay nakauwi na rin kami matapos ang nakakapagod na araw. Gutom na ako. Gusto ko na ng lunch!

Mabuti naman at nagkasundo sina Kuya Alfred at Luke. Kapalit ng date namin ni Luke, hindi niya kami ibubulgar sa publiko.

Naupo kaming lahat sa may sala. Tahimik silang tatlo at nagtititigan lang.

Pupunta sana ako sa kwarto ko nang tawagin ako ni Kuya Alfred. "Bumalik ka sa upuan mo Alec."

Sinunod ko naman siya sa gusto niya. "Bakit po, Kuya?" tanong ko.

Sumandal siya sa sofa at inilagay ang parehas na kamay sa batok. "Sinabi ba ng lalaki kanina yung pangalan niya?"

"Opo."

"Ano daw?" Napaka seryoso nilang lahat sa mga sandaling iyon at pinapatay na ako ng mga nanlilisik na titig.

"L-Luke po. Luke Aguilar, Kuya..." pautal-utal kong sagot.

Nag-isip-isip sila sandali. Binigkas ng paulit-ulit ang pangalan niya na para bang narinig na sa kung saan. Biglang tumahimik nang magtinginan nanaman sila. At sa isang kurap, nagtakbuhan ang tatlo na parang mga bata. Unahan papasok sa kanya-kanyang kwarto.

Napano sila?

Sinilip ko ang bawat isa. Busy sa kanya-kanyang gadget. Ano ba yan?

Tinungo ko na lang ang kwarto ko. Pero pagpihit ko pa lang sa door knob ay tumawag nanaman si Kuya Alfred. Tumalikod ako para tignan siya.

Sabay-sabay na lumabas sa magkakatabing pintuan ang tatlo habang nakayuko. Napaka bagal ng lakad. Katulad sila ng mga nasasapian sa horror movies. Napaurong ako.

Palapit sila ng palapit. Kinikilabutan na ako sa kinikilos nila.

"Ate? Mga kuya? A-ayos lang b-ba kayo?" pag-aalala ko.

Lumapit si Kuya Alfred sa akin. "Alec..."

"Po?"

Mabilis niya akong niyakap at pinaikot-ikot! "Hulog ka talaga ng langit sa amin!"

Hinalik-halikan niya ako sa pisngi. Ginulo ni Kuya Marvin ang buhok ko. Nagpapapalakpak si Ate Vanessa. Nagbunyi silang tatlo!

"Napano po?" pagtataka ko, nahihilo pa sa pagkaikot.

Ibinaba na ako ni Kuya Alfred at iniabot ang isang iPad. Pinapakita sa screen ang isang listahan ng mga porn videos. Teka, videos ba ito lahat ni Luke?

"Oo! Si Luke nga lahat ng iyan!" tuwang-tuwa na sabi ni Kuya Alfred, tila ba nabasa ang nasa isip ko.

Exhibitionist si Luke. Sa madaling salita, isa siya doon sa mga normal na visitors ng iba't ibang porn sites na di kalaunan ay gumagawa na ng sariling videos at nag-a-upload na rin.

Base sa mga date na nakalagay, una siyang nag-upload ng mga videos na nilalaro niya ang sarili niya. Sumunod na katapos ang mga videos na may ka-sex siyang babae.

Madami na ring nakapanuod at siguradong suki na siya sa mga porn sites sa dinami-rami ng mga uploads niya.

"Alam mo ba ang ibig sabihin nito?" pagpukaw ni Kuya sa atensiyon ko. "Mas darami pa ang viewers ng mga videos mo kung mas magiging close kayo!"

"Di naman po kami close Kuya... Kailan ko lang po siya nakausap sa mall at di ko pa po siya masyadong nakakwentuhan," paliwanag ko.

"Gawan mo ng paraan kung papaano kayo magiging close o kaya mas higit pa doon. May pangarap ka Alec, di ba?" Naging seryoso ang tono ni Kuya nang mga oras na iyon.

Bait BusWhere stories live. Discover now