XVII

9.1K 230 4
                                    

ALEC

Pinakikinggan ko ang mga huni ng ibon habang nakalublob ang mga paa sa tubig. Nakakakiliti ang pagkagat ng mga doctor fish sa talampakan ko. Yung iba kung saan saan pa pumupunta at napapagastos para lang sa mga isadang ito. Ang mga tao dito, libre na nga lang ang, ututan pa ang layo.

Parang nasisiraan na ang dalawa ng bait sa may ibaba ng talon. Nagpupush-ups sila sa batohan na binabagsakan ng tubig mula sa itaas.

Hinila ko palapit sa akin ang supot ng mangga. Nilantakan ko na yung mga madali lang balatan. Matamis at di nakakasawa! Uubusan ko nalang ata sila eh. Magagawa ko kayang maubos lahat ng ito?

"Hi friendship!"

Tiningala ko kung sino ang bumati. Yung mga kaedad naming nagsiswimming kanina pala ang lumapit sa akin.

May isang babae, isang lalake, at isang BAbae Kaso LAlake. Halata siya at nagko-cross dress na.

"Maburap bi yang mangochini? Kasung yummy bey ng mga lulukis mes?" aniya.

"Ha?" Wala akong maintindihan sa lengwahe niya.

"Nakakatuwa ka naman, friendship! Sabi kes, masarap ba yang mangga? Kasing sarap ba ng mga boylets mo? Hahaha!" biro niya.

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Gaga ka ba? Kaibigan ko lang sila noh..." sabot ko.

Nagsiupo silang tatlo sa tabi ko at naglublob din ng paa. Binigyan ko sila isa isa ng mangga at sumabay na sa pagkain.

"Ako pala si Alec..." pagpapakilala ko.

"Lady and jenemen! Akes si Tuesday Isabelle Lovenfieldt. Tootsiebelle for short. 17 years of age from Barrio Puswan! And I believe in the saying that 'If time is gold, when you're watching bold!'" sabi nung gay na pampageant ang tono. Nagpose pa na parang model sa endorsement ng Philippine mangoes.

"Pinaka sosyal mo naman ang pangalan mo, Rancho Jose Carbungco!" pambabasag trip nung lalake. "Ako si Carlo Esperroza. 18 na ako. Matalik kong kaibigan yang si Cardong. Mas katakam takam nga lang."

"Bastos!" sigaw ni Tootsiebelle sabay bato ng buto ng mangga kay Carlo.

Natawa ako sa kanya ng banggitin niyang buo yung tunay na pangalan ni Tootsiebelle. Panglalaki pa sa panglalaki!

Kaparehas ni Carlo si Cardong na may mukha at katawan. Mas malakas nga lang ang sex appeal niya.

"Ako si Georgette Cabornida. George na lang. 16 na ako." wika nung medyo boyish na babae. "Panira ka talaga ng moment no, Carlo?! Kapag akong naasar sa iyo kakatukso mo kay Tootsiebelle, humanda ka ha?!"

"Bakit George? Papatulan mo ako?" pang-aasar niya. Tumama na ngayon sa mukha niya ang isang buto ng mangga.

Naghalakhakan kami lalo nang mahulog siya sa tubig dahil sa pagtulak ni George nung nililinis niya ang mukha niya.

"Nakilala mo na pala yung kabarkada namin..." sabi ni George. "Pili lang ang nagiging mga kaibigan ni utol Cardong. Swerte kayo ng kasama mo."

"True-ness! Pogi pala yang friendsung mey ah! Pakilala mes akis!" Kinilig kilig pa si Tootsiebelle nang mapalingon si Luke. "Halu baby!" sigaw niya ng may kaway kaway pa pang Miss Universe.

"Bago bago lang kayo sa Barrio noh? Naninibago kasi kami sa mga mukha niyo eh..." ika ni Carlo nang makaupo na ulit sa batohan.

"Nagbabakasyon kasi kami." sagot ko.

Lumipat sa tabi ko si Tootsiebelle. "Friendship, bakit siya pa ang kasama mo? Aminin mo, bi ka ba?"

Sumunggab si George at tinakpan ang bibig niya. "Pagpasensyahan mo na ha? Pasmado kasi parati bunganga ng berdugong ito..."

Bait BusWhere stories live. Discover now