~ 1: Tyler The Jerk

5.2K 151 9
                                    

G/N: Happy 30+ mga Catchers! Opps! Hindi na Catchers ang itatawag ko sa inyo, okay? Hmm, mga Tylessa! Or Tyandra? Or bahala na kayo magisip! xD.

~*~

Alessa's Pov

Binigyan ko ulit siya ng tissue.

"Huhu, best! Minahal ko siya ng buong-buo! Naging mabuting girlfriend naman ako, eh! Pero nakipaghiwalay pa rin siya sa akin!" sabi ni Wendy.

Binatukan ko siya.

"Alam mo naman kasi na napaka-jerk nung lalaking yun, pumayag ka pa din maging 'girl' niya!" sabi ko.

Umiyak ulit siya. Napahimas na lang ako ng sentido, ugh!

"Eh kasi, best! Mahal ko siya huhu!" sabi ni Wendy.

Aish! Mahal na mahal na yan! Walang forever, uy!

"Best..*batok*... maganda ka, mayaman, matalino pero hindi ko naman alam na nagiging tanga ka kapag usapan na yang love na yan.

"Hahaha, best? Nagj-joke ka ba?" tanong niya.

Binigyan ko siya ng isang death glare.

"Sabi ko nga hindi." sabi niya sabay pout, "Lahat nagiging tanga kapag love na ang usapan."

"Tss! Mas maganda pa mag-karate kesa magmahal." sabi ko.

"Bitter mo!" sabi niya sabay bato sa akin ng tissue box.

Kanina lang makaiyak 'to akala mo namatayan, eh. Ngayon baliw na naman! Baliw sa Tyler na yun!

"Ano bang meron si Tyle na wala si Dexter?" tanong ko.

"Everything! Pangit 'nun ni Dex, eh!" sabi niya.

"Hoy! Ang gwapo kaya 'nun, nililigawan ka nga, eh. Choosy ka pa, Tyler pa ang type mo! That Jerk!" sabi ko.

"Lahat nabubulag pagdating sa love." sabi niya sabay dinilaan ako.

Ibabato ko na sana sa kan'ya yung tissue box pero dumating yung kambal.

"Ateee!" sigaw nila.

"Hi Xya! Hi Xander!" sabi ko.

"'Di naman mahilig yung parents mo sa 'X' at 'A' ano?" sabi niya.

Sinamaan siya ng tingin ni Xya, ayaw na talaga ni Xya kay Wendy nung una pa lang. Bakit? Ma-drama daw masyado, tawa nga kami ng tawa, eh.

"Xya, baby. Bakit ang sama na naman ng tingin mo sa akin? Huhuhu." sabi ni Wendy.

"Masama kasi ang timpla ni Xya, Ate Wendy." sabi ni Xander.

Tumango-tango naman si Wendy, "Why baby sis? Anong meron?" tanong ko.

"Si Ciara kasi Ate, nagpapatulong sa akin. Crush daw kasi si Xander, hindi ko naman siya matulungan." sabi ni Xya.

Napasapo ako sa noo, ay nako po! Hindi ko alam kung may sakit ba ako o sadyang madami talaga silang problema?

"Hey, you look stressed." sabi ni Mommy sa akin pagkadating niya.

"Hi, Mom." sabi ko at kiniss ko siya sa cheeks.

"Hi po Tita Nadine." sabi ni Wendy at nakipagbeso kay Mommy.

"Where's Dad, Mom?" tanong ko at pumunta sa kusina para uminom ng tubig.

"With his friends, hay! Nakakapagod talaga maging artista." sabi ni Mom.

Lumapit ako kay Mom at binigyan din siya ng tubig.

The Jerk and The Popular [A JaDine Fan Fic] #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon