~ 10: Baby Alessa

2.3K 79 14
                                    

G/N: Happy 1k+ mga Tylessanatics! Grabe naka-1k agad tayo? Hehe, salamat loves! Mahal ko kayo! 😘 Te amo! Saranghe! Aishiteru!

~*~

Alessa's Pov

Nakatingin ako kay Xya ngayon na nakikipag-usap kay Ivy. Si Ivy ang batang kapatid ni Tyler, ewan ko ba kung bakit 'di sila magkaparehas ng ugali. Si Ivy kasi sobrang bait at sikat siya sa school nila, parang ako lang. Si Tyler naman super Jerk! Nakakainis!

"Hoy!" sabi ni Tyler at pinoke yung tagiliran ko.

"Haist! Ano ba yan!" sabi ko.

Umupo siya sa tabi ko, wala kaming pasok ngayon kasi Saturday ngayon.

"Bakit ang tahimik mo?" tanong niya.

"Tanong mo sa hangin baka alam niya ang sagot." sabi ko at sumimangot.

Tumawa si Tyler at bumulong siya.

"Hangin.. bakit tahimik si Alessa?" bulong niya pero narinig ko.

Binatukan ko naman kaagad siya, "Tangek! Ginawa mo naman talaga? Psh." sabi ko.

Tumakbo palapit sa amin si Xya at Ivy.

"Ate Alessa, Kuya Tyler. Punta tayo sa sm, please?" sabi ni Ivy.

Nagpuppy eyes si Xya, "Please Ate Beautiful!!!" sabi niya.

Kinurot ko yung pisngi niya, "Ano yun? Gagawin niyo kaming taga-bantay?" sabi ko.

"Ate naman, eh! Please? Papagalitan na naman ako ni Daddy kasi wala akong kasamang matanda tapos pupunta ako ng mall." sabi niya.

Napatawa naman ako, "Seriously Xya? Papagalitan ka talaga ni Daddy, 9 ka pa lang kaya." sabi ko.

Nagpout naman siya, "Alam ko Ate, pero bakit si Ivy pinapayagan ni Tita Aya?" tanong sa akin ni Xya.

Nagkibit balikat ako, "Baka si Tita Sandy ang pumapayag kasi diba si Tita naman ang nagaalaga sa kanila." sabi ko.

Tumango-tango siya at tumingin siya kay Tyler.

"Kuya Tyler! Dali na! Samahan niyo na kami ni Ivy! Please? Pilitin mo si Ate Pabebe!" sabi ni Xya.

Sinamaan ko ng tingin si Xya, "Shut up, Xy!" sabi ko.

"Ate naman, maikli na nga yung pangalan ko pinaikli mo pa lalo." sabi niya.

Kumunot yung noo ko sa kan'ya, "For your information, Xyarise. Nickname mo lang yung Xya." sabi ko.

Napatingin sa amin si Tyler, "Series ang buong pangalan niya?" tanong ni Tyler.

"The heck! It's XYA-rise! Kuya Tyler bugok!" sabi ni Xya.

"Xya!" sabi ko at tinignan ko siya ng masama, "Kelan ka pa natuto magmura?!"

She smiled sweetly, "Kay Daddy James, hehe." sabi niya.

Napasapo ako sa noo ko, "Hindi naman tayo tinuruan ni Daddy magmura, ah?" sabi ko.

"Hindi nga, Ate! Pero nagb-bad---!"

"Shh! Tama na, Xyarise. Sige na, sasamahan ka na namin." sabi ko.

Tumalon-talon naman siya sa tuwa, ang kulit! Nauna sila ni Ivy sa kotse ni Tyler at nahuli kami ni Tyler.

"So, ang gaganda pala ng name niyo 'no?" tanong niya.

Tumango ako, "Yeah... magaling pumili sila Dad at Mom, eh." sabi ko.

Tumigil kami nung malapit na kami sa kotse.

The Jerk and The Popular [A JaDine Fan Fic] #Wattys2016Where stories live. Discover now