10.0 Holiday Wish

1.7K 25 11
                                    

                Ang Disyembre ko ay malungkot 'pagkat miss kita. Anumang pilit kong magsaya miss kita kung Christmas.

ARA’s POV

December 23 na ko nakauwi sa Pampanga dahil may trainings at practices kami kahit wala ng pasok sa school, tapos balik training na naman sa 27. Hays, ang hirap talaga maging student athlete kaya ang pagkapanalo namin sa games ang reward namin.

Salamat din sa mga trainings dahil nawawala sa isip ko ang tungkol sa love life ko. Dapat nga di ko pinoproblema yun eh, dapat kasi hindi ko muna hinayaan ang sarili ko, dapat hindi muna ako nagfocus sa love. Pero andyan na eh, nasasaktan na ko ngayon. Wala pa kong mapagkaabalahan dito sa amin kaya madalas kong naiisip. >:(

Puro kain ang pinaggagawa ko at nakikipaglaro din naman kina kuya at baby John. Kaso minsan parang pinipilit ko na lang maging masaya para di nila mahalata na nalulungkot ako dahil lang sa pag-ibig.

December 24 ng gabi, after namin kumain ng dinner ay pinili ko munang tumambay sa labas namin. Una nakaupo lang ako sa may bench, pero humiga na rin ako at tumingin sa langit. Madaming stars kaya nagdodrawing ako sa isip. ✴✵✶✴✵✶

First na drawing, mukha ng baboy pero cute na baboy. Bakit baboy? Dahil parang baboy ako kumain dito. XD  Para akong sira dahil natatawa ako mag-isa. Ang sunod kong idinodrawing ay airplane. ✈ Bakit airplane? Kasi ngayon ang flight nina Gabby, sana nga mag-enjoy sila ng family niya dun. Ano pa bang idodrawing ko? Pumikit ako para mag-isip, at mukha ni Thomas ang naimagine ko. Che! Thomas na naman!

Simula nung friendly date namin, hindi na kami nagkausap at nagkasama. Pagnagkakasalubong ay nagngingitian lang kami at batian ng hi at hello. Hmmph, pasabi-sabi pa siya na ginugulo ko ang isip niya pero siya nga tong nanggugulo sa isip ko pati sa puso ko! Ano nga bang nararamdaman ko sa kanya? Bumabalik ba yung pagkagusto ko sa kanya noon? Hindi! Bwisit siya!

Anak, anong ginagawa mo dito sa labas at nakakunot pa yang noo mo?” sabi ni papa. Agad akong bumangon at umupo.

Nagpapahangin lang po, Pa.” sagot ko. Umupo si papa sa tabi ko.

Ba’t di ka sumama kina Gabby? Naikamusta mo sana kami sa mama mo.

Madami pong dahilan kaya di ako sumama.

Weh?” pang-aasar ni papa. “Mukang nagsisisi ka dahil dyan sa mga dahilan mo.

Opo, nagsisisi nga ako.” seryoso kong sabi. Hindi ko nakayang sakyan ang pang-aasar niya.

Simula nga nung dumating ka dito, halatang may nangyari. Baka pwede mong i-share sa akin?” Naging seryoso na din siya.

Hindi na po nanliligaw sa akin si Gabby.” sabi ko at itinaas ko ang mga paa ko sa upuan para mayakap ang mga tuhod ko.

Bakit, anong ginawa mo?” Ako agad? Ako ang anak, tapos hindi ako ang kinampihan. :-/

Kasi po… parang nagkagusto ako sa iba. Yun talaga yung dahilan kaya hindi ako sumama kay Gabby.

Nalaman ni Gabby kaya tumigil na siya sa panliligaw sayo?

Hindi po. Hindi ko alam. Hindi niya sinabi kung bakit siya tumigil.

Hmm, so hindi mo pala pinili si Gabby?

Hindi po ganun. Ano… uhm… may nararamdaman naman din po ako sa kanya.

Anak, pagsabay mong hinuli ang dalawang bagay, parehong makakawala.” Hindi ko naman hinuhuli pero nawala na nga pareho eh. :-/  Biglang umakbay sa akin si papa. “Talaga pa lang dalaga na ang anak ko. Tapos ang gagwapo pa ng nanliligaw.

Hmm? Eh hindi niyo naman kilala yung isang tinutukoy ko.” At hindi siya nanliligaw!

Hindi ko nga ba kilala?” nakangisi si papa. “Pero anak, wag mo munang problemahin yan. Bata ka pa rin, madami pang pwedeng mangyari. Sana maging masaya ka na, Pasko pa naman.

Opo, Pa. Masaya naman ako kasi kasama ko kayo eh. :)

Ayoko nang nag-aalala ang mga tao sa paligid ko, pati sila nadadamay sa kadramahan ko eh. Nasaktan man ako, andyan pa rin ang pamilya at mga kaibigan ako. Masaya ako dahil sa kanila. :)

Kinabukasan, madami na namang pagkain! Masarap talagang mabuhay at masarap kumain! Hehe. Masayang panoorin si baby John dahil kumakanta at sumasayaw. Tapos sinamahan pa nina papa at kuya. :D

Nagbatian na rin kami ng mga kaibigan ko through text nga lang. At si Thomas bumati din.

Text Message: Merry Christmas Vic! I hope you’re happy! :)

Sa twitter naman bumati si Gabby. Merry Christmas din at naka-tag ako pati ang iba naming kaibigan. Tapos may isa pang tweet pero walang naka-tag.

(Twitter Conversation)

Gabby: I miss you. I wish you’re here with me.

Kim: @gabby_reyes09 Miss you too. :-* Pasalubong ah. :P

Gabby: @kimfajardo9 Of course! Kaw pa. :P

Cienne: @gabby_reyes09 @kimfajardo Kami rin ah. :D @vsgalang.

Gabby: @cienneycruz @kimfajardo @vsgalang Sure!

Hmm, sana ako nga ang tinutukoy niya! Kahit ayoko na siyang isipin, miss ko na rin siya. :(

----end 10.0

TEASER:

Gabby, pwede ka bang makausap?” seryosong sabi ni papa pagkalapit sa amin.

Yes tito.” sagot ni Gabby tapos bumulong sa akin. “Patay ata ako dahil  bigla kitang niyakap. :D Here’s my gift for you.

*SPOILER: nahihirapan talaga ako kung paano mapaghihiwalay sina gabby at ara kaso kailangan, dahil kung magkakatuluyan sila edi tapos na ang kwento nun.. :) don't be sad mga maka-gabby, kahit maging sina T at A, hindi ko papabayaan si Gabby.. :)))

Life is a Dream ❤Where stories live. Discover now