23.0 Pristine Moments

1.7K 35 16
                                    

                Unbelievable sights, indescribable feeling, soaring, tumbling, freewheeling through an endless diamond sky. A whole new world, a hundred thousand things to see. I'm like a shooting star, I've come so far, I can't go back to where I used to be. A whole new world with new horizons to pursue. I'll chase them anywhere, there's time to spare, let me share this whole new world with you.

ARA’s POV

After a few days mula nung farewell party, pumunta na nga si Gabby sa Australia. Sana mapili niya yung alam niyang makakabuti at makakapagpasaya sa kanya. Gusto ko sana dito na lang siya sa Pilipinas magbasketball pero kung magiging maganda naman ang offer sa kanya dun, okay na din yun. Lagi niyang sinasabi sa akin na maging masaya ako, yun din ang hinihiling ko para sa kanya. Maging masaya siya at magiging masaya ako para sa kanya. Good luck Gabby! ;)

Kakatapos lang ng 3rd term (April 25) sa DLSU at bakasyon na kung tutuusin, kaso ang ilang araw na bakasyon naming lady spikers ay magsisimula pa after ng PVF Intercol kaya ayun may training pa rin. Pero may good news rin naman! :D Di ba nagchampion kami, meaning may out of the country ulit kami! At dahil naging MVP ako, ako ang pinapili ng team manager namin kung saan ang aming destination. Guess kung anong sinabi ko? Edi Japan! ^.^ >.<

Nasa Tokyo na ngayon si Thomas para sa Nike Camp, at isang tulog na lang makakapunta na rin ako dun. ^.^ Nung nalaman nila BBFs na ako ang pumili ng pupuntahan namin, syempre tinadtad nila ako ng kantyaw.  Pero kahit may hidden agenda pa ko, maganda din naman sa Japan di ba? XD Yun nga lang, hindi ko sigurado kung makakapagkita kami ni Thomas, malamang puro basketball sila at walang time sa leisure. Tapos kami naman, two days and one night lang dun at may itinerary na ng mga activities na gagawin namin. Hay naku, basta naeexcite na ko!

Habang nakaonline, nakita kong kaka-tweet lang ni Thomas pero walang naka-tag. Ako naman siguro ang tinutukoy niya kaya nagtweet din ako pero hindi rin ako nag-tag. :P

(Twitter Conversation)

Thomas: I love you and I miss you! :-*

Me: Maghintay ka lang dyan! Baka i-surprise kita. :P

Thomas: You think I don’t know? Can’t wait to see you. :-*

Me: I hope we can spend time together. :(

Kim: @vsgalang hoy! pa-english-english ka pa dyan. Sino bang tinutukoy mo?! :P

Thomas: @kimfajardo9 @vsgalang hahaha!

Kim: @iamthomastorres @vsgalang isa ka pa, sino bang kinakausap mo? >:P

Thomas: @kimfajardo9 @vsgalang ikaw, miss na kita Kim. :-*

Mela: @iamthomastorres @kimfajardo9 @vsgalang anong kaguluhan to?!

Tsk, kahit kelan talaga imbyerna tong si Kim tapos nakisali pa si Mela. :P Pero malamang alam nga ni Thomas na pupunta rin kami ng Japan dahil kalat na kalat na sa internet ang tungkol dun. Kung hindi kami magkakaroon ng free time para magkasama dun, sana mapanood ko man lang siya habang nagbabasketball. :(

Ara tulog na! Tsk, sa sobrang excitement ko, hindi ako makatulog. :( Okay, magbibilang na lang ako ng tupa. 1 sheep, 2 sheep, 3 she… (-.-)Zzzzz

Madaling araw ang naging flight namin kaya ayun tulog na tulog din kaming lahat sa eroplano. Lagpas na ng 11:00am ng dumating kami sa Tokyo at sa isang Japanese restaurant kami unang pupunta. Mabuti pa dito hindi pa summer at medyo malamig pa.

Life is a Dream ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon