Chapter 2: Tugsh!

35 1 2
                                    

Skylar's POV:

Pagkauwi ko sa bahay, lahat sila, nasa sala at ang lungkot nilang lahat...lalo na si ate. Bakit kaya? Napagalitan ba siya? O baka naalala na naman yung ex niya.

"Nak, san ka nanggaling?" 

Wops. Galit si dad, hindi nga pala kasi ako nagpaalam kanina at ang late ko na nakauwi. Patay ako nito.

Bumili lang po ng fries eh ang haba po ng pila kaya umupo muna ako kaso nakaidlip po ako

"Osige, pero 'nak sa sa susunod magpaalam ka ha. Osige umupo ka muna dito"

Woooh nakalusot , pero totoo naman kasi pwera lang sa bumili ako kasi may nag-iwan na ng fries. Pero teka, ano naman kaya ang problema? Umupo nalang ako at nagsimula ng magsalita si Dad.

"Hindi ko na papahabain pa, sa monday, lilipat na tayo ng bahay"

 Ma, Dad, Pano po yung school? Edi lilipat din?

"Exactly. Naasikaso na namin yun ng mama mo kanina kaya wala kami dito sa bahay"

Bakit ang bilis naman po? Ba't hindi niyo naman po sinabi dati pa para naman po nakapaghanda ako, para maayos po akong makapagpaalam sa mga kaklase at kaibigan ko  

"Sorry 'nak pero biglaan din kasi, yung boss ng dad mo, biglang may bagong project na naibigay eh mas mabuti kung lilipat tayo para di tayo hiwa-hiwalay"

"Pero ma, hindi ko kaya yun, ang hirap mag-adjust saka andito mga kaibigan ko. Bat kelangan pa kasi?"

"'Nak, madali lang 'yan, kaya mo yan,  maganda rin naman sa lilipatan mong school, saka ayaw mo 'nun, magkakaroon ka ng new set of friends, bagong view"

 dad, ma, akyat na po ako, pagod po ako

Naggoodnight kiss na ako sa kanila at umakyat na papunta sa kwarto ko. Alam kong wala naman na patutunguhan yung usapan na yun, wala rin naman akong magagawa. Siguro nga mas mabuti na 'yun, atleast di kami magkakahiwa-hiwalay at may mga bago. Kaso nakakalungkot lang talaga..iiwan ko mga kaibigan ko...

Sobrang daming nangyari sa araw na 'to. Una, yung pesteng ex ng ate kong di marunong mangako, pangalawa yung mga lalakeng tinamaan ako sa ulo, pangatlo, ''tong guy daw na nagbigay ng sundae at fries at huli, si dad na late magsabi. ERRR.. Bat sila nakakainis =___= 

Monday morning 

Maaga akong nagising dahil kelangan. This is the day na lilipat kami. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako nagpapaalam sa mga kaibigan ko lalo ng kay Lyn.. yung super close friend ko. For sure magagalit 'yon. 

Dali-dali kong kinuha yung phone ko at shocks lang.. 54 messages received 3 missed calls...

Nung saturday pa pala ako hindi nagbubukas ng phone.   Ganun eh, hindi naman kasi ako mahilig sa text at wala naman masyadong apps sa phone ko.. puro lang ako practice ng keyboard..yun yun ang pinagkakaabalahan ko ng mga nakaraang araw. Boring? Nope. Para sa akin, masaya. Music is my life ang peg ko   Anw, yung iba puro gm lang ng kaklase ko, yung iba naman texts ng teachers na mag-ingat daw ako.. sila pa lang kasi nakakaalam. Yung iba, bat daw ako absent.. so unusual at isa na nga don ay si Lyn  miss ko na sila  

From: Lyn

        At anong pag-iinarte yan? HAHA. Jk. Ba't absent ka sis? 

Lokaret talaga 'to. Kaya mamimiss ko 'to eh 

To: Lyn 

Linliiiiin, Sorry ngayon ko lang sasabihin. Hindi na ako papasok jan ever. Lilipat na kami ng bahay, pati school  biglaan. Sorry talaga

She's a Manhater.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon