Simula

78 4 0
                                    



Simula

While scrolling through my cellphone, and chilling at the backyard. Biglang tumahol ng napakalakas ang aso namin, napabalikwas ako sa pagkakaupo ko and oh wait, nasa tabi ko lang naman siya so sino bang hindi magugulat diba?!

Sinamaan ko lang siya ng tingin alangan kausapin ko pa siya sa biglaang tahol niya at murahin siya, ako pa nag mukhang tanga.

Dahil doon inatake na ako ng mood swing ko. In short, from relaxed mode bigla na akong nabadtrip. Galing ko diba? Daig ko pa may mens, pero babae ako ah! Wala lang akong mens ngayon duh.

Umalis na ako sa lounge chair namin at bumalik na sa kusina. Nilapag ko ang baso sa center island counter at tahimik na umakyat patungo sa kwarto ng kuya ko para bwisitin siya.

"Sasabay ako sa kotse mo bukas ha." sabi ko kay big brother.

"May sarili kang kotse gamitin mo." ay wow palaban siya magsalita ah.

"Bukas ko lang naman di gagamitin yung sakin, ako na lang mababayad sa pang gasolina, okay na?" umalis na ako sa harapan niya para wala na siyang masabi at lumayas na sa hampaslupa niyang kwarto.

Nagpakadamot talaga ipapasakay niya lang ako ayaw niya pa? parehas lang naman yung papasukan namin. Tss.

Anyway, to freshen-up my mood. Naglakad-lakad muna ako sa garden namin. Sa gitna ng garden ay ang fountain na siyempre ay gumagana. Thus, ang mga tulips ay nakahilera ayon sa kanilang kulay. It's my favorite flower by the way if curious ka. Then kapag lumingon ka sa gilid nandun ang mga roses na super healthy. Siyempre alagang mayaman yan eh. At yun lang, yun lang isheshare kong mga halaman sa garden ayoko ng isa-isahin yan baka abutin pa ako ng bukas kapag sinabi ko pa lahat yan sainyo. Diba?

Naglakad-lakad na lang ako sa hardin habang tinitignan ang mga messages ng mga kaibigan ko sa group chat namin. Tinanong ko lang naman kung papasok sila bukas sa first day of school. Tinatamad din kasi talaga ako kaya nangangailangan ako ng kadamay.

"Papasok ako bukas mga demonyo kayo" sabi ni Aya.  Wow don't tell me mga nagbagong buhay na sila ha? Nagbakasayon lang naging masipag na.

"Whatever papasok na rin ako bukas" ani ko. naimpluwensiyahan ako ng mabuti ni Aya, akalain mo nga naman.

"Hoy Steff wag kang seener ha" chat ni Aya

"Papasok rin ako malelate lang, anyway ang ingay nyo panggulo kayo sa messenger ko."

"Uso mute teh." asar ni Aya. Napaikot lang ang mata ko sa dalawang toh. Can't believe na College na sila pero isip bata paren? Pa-mental ko na ba? In-off ko na lang ang iphone X ko at napagdesisyunan ko na pumasok na sa loob ng mansion dahil mahamog na rin kasi. Kung titignan mo ang langit, ang tahimik sa dilim tila kalmado at payapa. Habang ang kislap ng bituin ay tumatagos sa iyong mga mata na parang tinatawag ka na lumapit don kahit alam mong di mo kayang abutin. May mga bagay talaga na gusto natin pero di natin makuha.

Ganda.

Pagkapasok ko sa loob ng mansion saktong pagbaba naman ni kuya sa malaking hagdanan namin. Suot niya ang black pants at white t-shirt niya at airmax. Daming pera ah?

"Wag kang aalis ng bahay ah, may pupuntahan lang ako na party." sumbat niya. Ay wow daig pa-magjowa ah?

Tinaasan ko lang siya ng kilay, "Oh brother don't worry di ako aalis ng bahay balita ko kasi paggabi na tsaka lang lamalabas ang mga kapre." Kung sana lang alam ni kuya na mukha siyang kapre, hays...

Umismid lang siya habang nilagay ang kamay sa bulsa ng pantalon at umalis na. Di ko na siya pinansin at direstong pumunta na sa kusina.

"Ma'am pinapasabi po ng Mommy mo na aalis raw po kayo sa Sabado, kaya kung ma gala ka raw po ipa-cancel mo na. Sabay na raw po kayong pumunta ni Sir Karl don di na po magpapadala nh driver si Ma'am para sainyong dalawa." sabi ni Jonah, kasambahay.

Swerte naman ni kasambahay mas nakakusap niya pa si Mama kesa saken na anak niya. Matutuwa pa sana ako kung lagi siyang umuuwi kahit di kami makapagusap eh, pero hindi teh, walang ganon.

Ilang beses ko bang sasabihin kay Mama na ayoko sumama sa kanya? Tapos eto na naman kami aalis na naman. Para saan? Sa business namin? Eh ayoko nga maghandle ng kompanya, hindi yon ang pangarap ko.

Umakyat na ako sa kwarto ko at nahiga. Ka-stress ang araw na toh. In-on ko ang TV at nilagay sa netflix manonood muna ako ng Lucifer. Btw guys, try to watch it maganda, pwede sa mga demonyong katulad ko.

Buti pa si Lucifer nagagawa niya gusto niya. Mayaman, gwapo, at di namamatay. Sana all. Pero lahat ng yon fantasy lang, di pwedeng mangyari sa totoong buhay. Kasi kung totoo yon, bakit ko pa nararanasan ang paggihirap ngayon? kung mayaman ako? Maganda? pero siyempre mamamatay, pero diba? Kahit ganoon di ko pareh nagagawa ang mga bagay na gusto ko. Kasi people have expections to you and you don't want to disappoint them. You don't want to lose their trust in you otherwise luge ka, wala kang kakampi. Ramdam mo ang taas nang pagkakabagsak mo dahil pumalya ka.

Kung sana nga lang manhid ako okay lang eh. Kaso hindi, tao rin kasi ako. Nakakaramdam ng saya, lungkot, success and failures.

Spirit LoverWhere stories live. Discover now